Hinatid nito ang mag ina sa bahay nila, pagod na pagod ang anak nito kaya nakatulog. Pinagbuksan nya ng pinto si Adriana matapos ay dahan-dahan nyang nilabas si Autumn sa sasakyan at kinarga ito.
"What are you doing with my daughter?"
Nagulat sya nang may biglang nagsalita sa likod nya kaya naman agad syang lumingon dito saka napakunot ang noo nya nang malaman kung sino yon.
Anong ginagawa nya rito? and why the hell he called Angel as daughter?
"Dom.. sorry kung hindi ko nasabi sayo." it was Adriana.
Naguguluhan sya sa nangyayari. Hindi nya alam kung totoo ba ang narinig nya. Bago pa sya magtanong ay nagsalita na ang kaibigan nito.
"Ah really you're sorry? I've been texting and calling you whole day pero cannot be reach ka. Why? kasi kasama mo itong lalakeng to? Dinala nyo pa ang anak ko!"
Kilala nya na ang kaibigan dahil halos sabay na silang lumaki nito pero sa nakikita nya ngayon— hindi yon ang kaibigan nya kung hindi ibang Dominik.
Alam nyang galit na ito at kapag galit ito alam nya rin na kung ano ano na ang lumalabas sa bibig nito. Napansin nyang nagising si Autumn at bumaba sa pagkakarga nya.
"Daddy?" Hindi makapaniwalang tawag ng bata. Nang maalimpungatan ang bata ay agad itong tumakbo sa Daddy nya.
"Daddy look may minion ako! Bigay ito ni Tito Abre!" Hindi na maipinta ang mukha ni Dominik sa sobrang inis nito. Lumuhod sya para mapantayan ang bata.
"Pwede bang pumasok ka muna anak? mag uusap lang kami ng mommy mo." Tumango naman ito pero bago pa ito pumasok ay tumakbo muna ito papalapit kay Abre.
"Tito, thank you dahil pinasyal mo kami ni Mommy ah? Dagdag pogi points yon sa kanya eh! Ingatan mo rin gift ko po ah and thank you po sa gift sa uulitin po!"
"You're welcome, Angel." saka ginulo ang buhok nito. Hinintay muna nilang maka alis si Autumn at nang mawala na ito sa paningin nila ay agad ng nagsalita si Adriana.
"Abre, I know what you are thinking right now but let me explain fir—"
"Yeah, explain to him na anak nating dalawa si Autumn—"
"Oh, shut up Dom! I am the biological mother and you're not!"
Tumalikod si Abre sa kanila at naglakad papuntang kotse nito.
"Where are you going?" tanong ni Adriana sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad pero hindi sya lumingon sa babae.
"Leaving." tipid nitong sabi.
"Pero—"
"Damn Adriana! Can you please let him go!"
He heard a lot today and for him enough na yon. He didn't want to hear anything from either of them. Gusto nyang magsalita pero hindi nya magawa, gusto nya ring magalit kay Adriana dahil hindi man lang nasabi nito yung totoo at tungkol kay Dom pero hindi nya magawa kasi alam nya sa sarili nya na hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanya.
Pinaharurot nya lang ang kotse nya pauwi sa kanila. He had enough for today pero kailangan nya ring mag ready kasi alam nyang magbubugbog na naman sya ngayon.
"ALAM mo ikaw? Ang selfish mo rin eh no? Lagi mong iniisip yung sarili mo! You could have let me explain to Abre kung ano yung totoo. Tingnan mo kung ano yung ginawa mo!" nasa kwarto sila ngayon ni Adriana. Halos pumutok na ugat nila sa kakasigaw dalawa at dahil nasa ibaba ang kwarto ng bata, tulog lang ito at hindi sila naririnig.
"What is it to you kung hindi ka nakapag paliwanag, Adriana? Tsaka bakit ka nagagalit ngayon eh diba ikaw may kasalanan sakin? Umalis ka ng hindi man lang nagsasabi sakin sinama mo pa si Autumn?!" sigaw nito pabalik sa kanya. Napa upo si Adriana sa kama nito at napa buntong hininga.

YOU ARE READING
Whispers Of Past
RomanceHe is Duke Abrehem Contreras, the inheritor of Contreras Group; a financial services that provides a lot of sectors. Trading, Real Estate, Reinsurers and etc. He is a brave man when it comes to the woman he loves pero pagdating sa kanyang ama kaya n...