CHAPTER 7

33 3 0
                                        

After what happened in the bar Abre showed up in Adriana's house. Pasado alas 10 na ng gabi at napagdesisyonan nitong dalawin ang babae. Nasa labas lang ito ng bahay nya, nakasandal sa sasakyan at nakatingin sa bahay.

Naalala na naman nya ang nangyari sa bar kanina. Sa kanilang magkakaibigan si Dominik ang pinaka close nya kaya ang hirap para sa kanya na tanggapin yung sagutan nila.

Akala ko naiintindihan nya ako haha hindi pala.

Tumikhim sya at sumulyap sa bahay ng babae, nakapatay na ang ilaw sa itaas samantalang may ilaw pa ang sala nito. He doesn't want to bother Adriana kasi bukod sa gabi na at ayaw nyang maka istorbo rito baka magtanong na naman ito kung bakit may mga pasa sya.

Song played:
Miss Miss by Rob Deniel

Tumalikod sya at balak ng pumasok sa kotse nang may bigla syang narinig na nagbubukas ng gate.

"Abre?" ulit syang napaharap dito at nakita nya ang nakangiting si Adriana. Saglit ding nawala ang ngiti sa labi nito at alam nya na yon kung bakit. Fuck! napansin nya na naman yung pasa ko.

"What happened? Huwag mo sabihing nalaglag kana naman?" lumapit ito sa kanya at kitang-kita ang nag alalang mukha nito.

She held his face habang sinusuri nya ang pasa sa mukha nito.

"Nakikipag away ka ba?" umiling sya. "Then anong nangyari bakit sa tuwing nagpapakita ka ang dami mong pasa?" You never know, Adi.

Bumuntong hininga sya at biglang niyakap ang dalaga. Ipinilig nya ang ulo nya sa may leeg ng babae at hinigpitan ang yakap nito. He can smell the scent of Adriana and it makes him crazy, nakakabaliw ang amoy nito para sa kanya.

"You smell freakin' good. It's really addictive Adi." he whispers.

Hindi makagalaw si Adriana dahil sa ginawa nitong pagyakap sa kanya. Nanlaki lang ang mata nito at damang-dama nya ang malalakas na tibok ng puso nya na para bang may prusisyon sa loob nito.

"I miss you." and with his words Adriana felt complete. "Thank you for letting me do this and thank you for being my safe place Adi." Napangiti siya at niyakap din ng mahigpit ang binata.

"Hindi ko alam kung ano pinagdadaanan mo ngayon but I'm always here, you can tell me anything." ramdam nyang mas niyakap sya nito ng mahigpit kaya hinagod nito ang likod ng binata. Tumingin ang binata sa kanya at ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha nila.

"You sure? Hindi ka natatakot sakin? o kahit nandidiri man lang?" tanong nito sa kanya saka sya lumingo.

"Bakit naman matatakot? Wala ka namang masamang gagawin sakin diba? Tyaka sabi mo safe place mo ako kaya kahit kamukha mo pa yung wrong turn hindi ako matatakot, hindi ako lalayo para may safe place kapa." she smiled proudly of what she said. Tumaas ang kilay ni Abre sa sinabi ni Adriana.

"Wrong turn?" nagkibit balikat lang si Adriana at tumingin sa kanya. Napatitig si Abre sa mukha ng babae at hindi nyo maiwasang mamangha sa hulma ng mukha nito kasi ang ganda. Napadako ang mata nito sa labi ng babae saka sya ngumiti.

"Adi?"

"Hm?"

"Can I kiss you?" Nakita nya ang pamumula ng mukha ni Adriana kaya hindi ito nakasagot. Hindi na nya inantay ang sagot ng babae at hinalikan ito.

He pressed his lips to Adriana's lips and smiled.

"Ang cute mo."

"Abre! Hindi pa ako sumagot nanghahalik kana!" natawa lang sya sa reaskyon ng dalaga dahil sa pagka cute nito. Niyakap niya ito ng mahigpit na agad din namang tinugon ni Adriana.

Whispers Of PastWhere stories live. Discover now