CHAPTER 20

18 3 0
                                    

Nanginginig na hinawakan ni Adriana ang telepono sa counter ng hospital habang may mga dugo ang mga kamay nito.

"H-hello.."

"Is this you Adriana? My god! Saan ka nanggaling? Asan ka ngayon? Pupuntahan kita!"

Hindi sya makapag-salita ng maayos dahil hindi parin maalis sa isip nya ang nangyari. Maraming dugo sa damit nya at ang mga kamay nya.

"C-chris.. I need help, nasa general hospital ako ngayon please bilisan mo."

Halo ang takot sa boses nya habang umiiyak kaya pilit nyang inaayos ito at sabihin ng matuwid para maintindihan ng pinsan nya.

"What? Wait, hintayin mo ako dyan!"

Binaba nito ang tawag kaya binaba nya na rin ang telepono. Pinunasan nya ang luha nya at naglakad papunta sa kung saang kwarto pinasok si Abre.

"Are you the guardian of the patient?" tanong ng isang doctor habang naglalakad ito palapit sa kanya.

Hindi nya kilala ang mga magulang nito o baka kilala nya pero hindi nya maalala.

"Hindi ak—"

"I'm here, what happened to my son?"

Napalingon sya sa matandang naglalakad palapit sa kanila kasama ang dalawang body guards nito. Nakatitig lang sya sa matanda habang kinakausap ito ng doctor, pamilyar ang mukha nito para sa kanya dahil ilang beses nyang naanigan ang mukha nito sa mga magazines at news.

Bigla syang nakaramdam ng kaba sa puso nya nang maalala ang sinabi ni Dominik sa kanya. Ito ang nag utos na patayin sya at ang pamilya nya, ito ang nagpa sabog ng sinasakyan nila.

Ramdam nya ang biglaang pagtingin sa kanya ng ama nito at lumapit. Hindi ito umimik at seryoso lang nakatingin sa kanya.

"So this must be the punishment." bulong nito pero sapat na hina na yon para marinig nya ng maayos. "Ang laki mo na."

Napa-iling si Adriana.

"Para namang hindi mo tinutukan ang paglaki ko simula nung nasa ibang bansa ako."

"So you knew?"

Tumingin sya rito sa matanda. Halata sa mga mata nito ang pamamaga dahil sa pagkaka-iyak. Tinatapangan nya ang loob nya na kausapin ang matanda kahit alam nyang may takot syang nararamdaman dito.

"I knew everything. Simula sa panahong ginahasa ako ng anak mo."

Sumakit na naman ang bandang puso nya. Till now hindi nya matanggap lahat ng nalaman nya tungkol sa nakaraan nito lalo na kaharap nya ngayon ang isa sa taong sumira sa buhay nya.

"Alam mo ba yung pakiramdam na tinraydor ka ng sarili mong damdamin? Galit ka sa tao pero kahit gaano kahaba ng galit mo may pagmamahal ka parin sa puso mo."

"Is that you feel about my son?" hindi umimik si Adriana. Nanatili syang nakatingin sa pinto ng kwarto kung saan pinasok si Abre.

"Nung makilala ko si Abre malakas ang kutob ko na parte sya ng nakaraan ko. Ang akala ko non normal lang ang buhay ko pero hindi ko akalain may rape na palang naganap. The worst part about this is that wala naman akong maalala."

"This is the first time na sasabihin ko sayo ito." he took a deep breath. "I'm sorry for what my son did. Bago mangyari ang aksidente pumunta sya sa opisina ko. Ngayon lang ulit kami nagkita makalipas ang isang buwan, I told him na huwag magpakita sayo and he did. He told me to stay away from you and your daughter at kapag nilayuan ko kayo magpapakalayo rin sya at hindi na magpapakita. If this what he meant– fuck I-im sorry." humagulgol ito sa iyak at ganon din si Adriana.

Whispers Of PastWhere stories live. Discover now