Mark's POV
Natulala yata tong babaeng to? Aish, wala ng oras. Late na ako sa date namin ni Camille. Bawas pogi points to!
"Teka lang, aray ko naman. Di pa ako tapos kumain eh!"
Ang ingay naman ng babaeng to. Naiinis na ako. Magagalit si Camille nito eh. Ayaw pa naman nun na pinaghihintay. Patay na talaga ako nito!
"Ano ba, pwedeng dahan-dahan. Harassment na to, kanina ka pa ah!"
Ano raw? Nasisiraan na yata to? Teka, cool ka lang Mark. Dapat maging mabait ka sa kanya para mauna ka pa rin sa pila.
"Miss Megan Louise, sorry kung kinakaladkad na kita pero nagmamadali na kasi ako eh. I'm sure you're in a hurry too kaya halika na para matapos na tayo sa pag.eenroll"
"Paano mo nalaman yung name ko?"
Tinaas ko yung folder ko na may laman ng forms niya. Nagulat nga ako kanina kasi ready na ako sa interview nung head tapos biglang.....
flashback---
"Excuse Mr. pero bakit ibang name nakalagay dito sa form mo? Girlfriend mo ba to?"
"Ma'am? What do you mean na iba? I'm Mark Francis Santiago"
"Mr. Santiago I'm afraid these are not your enrollment forms, kay Ms. Megan Louise Cruz Malazarte to."
Sino? Megan ano raw? Kinuha ko yung form then pagtingin ko... ito yung babae kanina. Teka, nagkapalit pala kami nung nagbanggaan kami. Aish, bakit di ko ito na.check bago ako pumasok. Ang tanga mo naman Mark! Puro Camille ka na lang kasi.
Kaya ayun, sinabihan niya ako na bumalik na lang mamaya. Kung mamalasin nga naman!
---End of flashback
Yeah so that's the story behind.
"Kasalanan mo naman kasi ito eh!"
At humirit na naman to.
"Tumahimik ka na lang please! Sorry na ok? Kasalanan ko bang nagkapalit tayo ng folders?"
"Sorry? You're not forgiven Mr. Santiago. Alam mo ba na.move yung date ko dahil sa iyo! Nakakahiya sa boyfriend ko. Maaga akong pumunta dito para maaga rin matapos tapos ano? Babanggain mo ako tpos sisingit ka bigla tpos kakadla-------"
Ang ingay grabe parang machine gun. Nakatingin na yung ibang students. Di to maganda, baka ano pang isipin nila kaya natakpan ko tuloy bigla yung bibig nitong si Megan.
"Sorry, ang ingay mo kasi. Malapit na tayo sa office oh. Ikaw naman yung susunod after me."
Ayun, tumahimik din sa wakas. Kaso pagdating, sirado na yung room. Malapit na rin naman mag.1 eh. Konting antay na lang Mark. Medyo gutom na rin ako. Tawagan ko na muna si Camille.
"Hello ......, ahm, pwede mga 3 pm na lang tayo magkita? Sorry na.... Kasi nagka.problema dito eh..... Sorry na talaga... di na mauulit. Ako na yung susunod kaya matatapos agad to... Oo... wag ka ng magtampo.... sorry na nga please, wag ka ng magalit....... wag kang mag-alala order ka lng ng kahit ano mamaya tapos ibibli kita ng kung ano pa gusto mo.... ok na? bati na tayo?thank you ..... oo, see you..... bye..."
Hay salamat at ok na.
Kanina pa tong POV ko ah, let me introduce myself. I'm Mark Francis Santiago, 16 years old. Moreno at gwapo. 5'10. Sporty type ako at hindi naman sa pagyayabang, mayaman yung pamilya namin. May-ari kami ng iilang sikat na restaurant dito at isang land developing company. May 2 pa akong nakakabatang kapatid. Makikilala niyo rin sila soon. Marunong naman akong kumanta at minsan, sumasali ako ng mga motor racing. Minsan lang naman pero hindi ako spoiled noh!
Teka, kanina pa tahimik tong isa ah. Mabuti naman.
"Ok, magreresume na ang interview. Yung nakakuha ng priroity numbers, pila na, yung wala, sa likod na kayo. Thank you."
Thank you Lord! Inabot ko na kay Megan yung folder niya, ganun din naman siya. Bakit tahimik nito? Bahala siya, ako naman mauuna :)
"Okay, pasok na"
Papasok na sana ako ng biglang hinila ako ni Megan kaya napa-atras ako ng wala sa oras.
"Excuse me mr., you've done enough damage para ma.delay ako ng ganito katagal. I believe ako yung una sa linya kaya ako ang mauunang papasok."
"What are you talking about? Eh kanina pa ako dito sa harapan mo kaya ako mauuna."
Tpos hinarap niya sa mukha ko yung card na may number 1.
"Do you understand the word priority? PRIORITY NUMBER 1! And ako yun. Eh ikaw, wala kang card dba? So you might want to go at the back of the line now at PUMILA NG TAMA. Baka lalong matagalan ka pa. And oh, wag kang sisingit ulit ha? Bad yun!"
With that pumasok agad siya sa room and I'm left na pinagtitinginan ng mga pumipila.
"Grabe naman yung girl, ang tapang. Kawawa tuloy tong si pogi"
"Mali rin niya, sumisingit eh"
"Uy, sa likod ka na, ako yung sunod"
"Wag kang sisingit ah, kahit gwapo ka, di pwede"
"oo nga, nagmamadali rin kami"
"kanina pa kami dito kaya dun ka na sa likod kuya"
Pumunta na ako sa likod. Never in my life na napahiya at naisahan ako ng ganito at isang babae pa talaga ang gumawa ah. Ms. Martinez, may araw ka rin sa akin.
BINABASA MO ANG
Learn to Love Again
Teen FictionThey say that love is the most beautiful thing in the world---but not anymore for Megan. She's been hurt enough that she decided to close her heart and stay away from the things or people that connect her with love. Mark's been hurt by the woman w...