Chapter 1

59 2 0
                                    

Hey I just met you and this is crazy, but here's my number, so call me, maybe?

Aish! Sino ba tong tumatawag, ang aga pa ah? Anong oras na ba? 5 pa lang ng umaga!

Mats_Nathan calling...

0_0 si Mats! Ang love of my life!

"Good morning Mats Meg! Gising na! Enrolment mo today, baka matagalan ka"

"Maaga pa kaya, masyado ka namang excited eh ako tong magpapa.enroll, hindi ikaw! At good morning din Mats!"

"Oh wag naman sumigaw, masisira eardrums ko hahaha"

"Eh kaw naman kasi eh, distorbo sa beauty sleep ko!"

"Sorry na Mats, mapapatawad mo pa ba ako? Ay, Happy 23rd Monthsary pala! I love you, see you mamaya ha?"

"Ang sweet, happy 23rd monthsary din! And yes, you're forgiven agad! I love you sagad to the bones!"

"Adik, sige magbihis ka na"

"Ok, Mats, byeee"

What a nice start for today!

"Good morning Philippines! Good morning world! Good morning Miley!" Sabay stretch at baba sa kama.

Pero si Miley tumingin lang sa akin. Aba, anong problema ng pusang to? Usually kapag binabati ko ng good morning eh lumalapit agad sa akin at nagpapa.cute. Di bale na nga, ayoko masira araw ko dahil 1.) Enrolment ko na for college 2.) For sure maraming mga gwapong nilalang ang magkakalat sa school na papasukan ko 3.) Monthsary namin ni boyfie! At mamaya may date kami kaya kailangan ko na maligo at magpaganda! :)

Special day ngayon kaya kailangan ko medyo mag-ayos. Di ako expert sa ganito pero kailangan ko din mag-effort para hindi kung sino-sinu ang tinitingnan ni Nathan, yung boyfriend ko.

After mag-ayos habang naka.tingin sa salamin...

"Ayan, ang ganda mo na Meg! In fairness, bagay din pala sa iyo mag.dress. Ano sa tingin mo Miles?"

Hay, ayan na naman ako, pinupuri yung sarili ko at tong pusang to, di ako pinansin? Anyway, I'm Megan Louise Malazarte, Meg for short. 16 years old. Di naman talaga ako mahilig magpaganda at mag.dress kasi simple lang naman ako. Shirt, pants and converse, pwede na. Anyway, for a change nag.dress ako para sumaya naman si Nathan. Baka ipagpalit ako nun sa iba. Naku! Ano pa ba? Morena naman ako at hindi masyado mahaba yung buhok ko. 5'4 ang height at magaling akong kumanta at mahilig akong magbasa ng libro at magskateboard.

So naglagay lang ako ng lip at cheek tint and ok na. Ayun, binitbit ko pababa si Miley na kanina pa yata wala sa mood. Ano ba tong pusang to, may pms? Hahaha, ay adik na ako. Sobrang excited lang kasi for today!

Pababa na sana ako ng...

"Meg? Ikaw ba yan? Aba't himala at babae ka ngayon? Hahahahaha"

"Problema mo? Alam ko naman maganda ako, thank you!"

Kainis! Kuya ko lang naman yun, si Kuya Lendell, 2 years ang tanda sa akin.

"Maganda raw, ang sabihin mo takot kang iwanan ni Nathan para sa mas sexy at magandang babae."

"Ang sama mo naman kuya, konting support naman dyan!"

"Ok basta ikaw maghuhugas ng mga pinggan mamaya."

"Che! Ganyan ka naman talaga, laging may kapalit!"

"Salamat baby Meg! ;) Bagay talaga sa iyo suot mo, grabe, gumaganda ka lalo kapag nag-aayos. Huwag ka lang nga magsalita at baka ma.turn off si Nathan sa iyo. Hahahaha"

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon