Chapter 7

37 0 0
                                    

Megan's POV

3 weeks na rin since umalis si Nathan.  Ok naman kami, may constant communication so di na ako nalulungkot. Kumuha ako ng summer job sa boutique nina Mich. So kami magkasama most of the time. Si Pat kasi, nagvacation sila ng family niya sa Europe. Sosyal lang!

"Meggy! C'mon, i.makeover kita bilis! Amma choose a nice dress and heels muna from here!"

"Mich naman! Ilang beses ko na bang sinabi na A-Y-A-W K-O!" Halos araw-araw niya kasi ako kinukulit na imakeover ako.

"Hoooy ms. Malazarte, nagmamagandang loob lang ako na pagandahin ka noh. Palagi ka na lang naka.pants and shirt, it's too dull for beautiful girls like us!"

"Like us talaga? Pero wala namang occasion para magpaganda pa ako"

"That's the point here bessie! I'm bored so I'm gonna dress you up!" Wow, dahil bored lang. Weather2 din tong si Mich.

"Nagtratrabaho pa tayo rito eh"

"Ako na ang bahala" Tapos pumunta siya sa office ng ate niya, si ate Maricar kasi ang owner nitong boutique, fashionista rin katulad ni Mich.

"Ok na sabi ni ate, ako ang pipili ng isusuot mo, wag you choosy ha? Then i.momodel kita and I'll send the pics to Pat, she'll be surprised! Excited na me!" Tapos tumalon-talon pa siya habang nagclaclap.

"Ano pa ba magagawa ko?"

3:30 na sa hapon pero di pa ako tinatawagan o tinitext ni Nathan.  Kahapon dinner time yung last, sabi niya may party daw roon. I tried calling him pero cannot be reached.  I'm starting to worry.

"Ok na Meg, nakapili na ako ng mga isusuot mo! Time for you hair and make up! Dali na!"

Super excited naman nito. Pero pumunta na rin kami sa room na katabi ng office ng ate niya, doon kasi tumatambay kapag may bisita.  Then nagsimula na akong ayusan ni Mich, bongga tong make-up kit niya, tinalbog pa sa kakikayan si Pat hahaha. Tapos gi.curl niya konti yung dulo ng buhok ko. Pagtingin ko sa salamin 0_0...... ako ba yan? Ang laki yata ng nabago?

"Oh my God, you're so pretty bessy! Bilib ka na ba sa supah powers ko? I transformed you into a lady! I'm so AWESOME!"

Tapos inabot na niya sa akin yung dress na napili niya. Pagtingin ko, tiningnan ko siya ulit then balik sa dress then balik sa kanya.

"What's the problem bessie?"

"Seryoso ka ba rito Michael?"

"Yuck! Don't you ever Michael me Louise! Maganda naman yan ha"

"Ang sexy nito! Makikita na kaluluwa ko kapag sinuot ko ito!"

Paano naman kasi, yung ipapasuot niya ay red strapless mini dress na kita yung skin ko sa gilid o sa may waist na part. Sa design yun tapos yung likod ko eh lace yung design so kita pa rin yung balat, parang see through ba.

"Ang OA mo Meg! Di ka naman lalabas, dito ka lang naman. Isuot mo na then I'll take a pic and you can change na to your next outfit!"

Di ako mananalo nito... "Ok, susuotin ko to but I'll choose my next outfit"

Then pinalabas ko na si Mich. Sinuot ko na yung dress, fit na fit sa akin at bumagay din sa make-up ko, galing talaga ni Mich. Lumabas na ako then gulat na gulat naman siya.

"Bessie! You look so HOT! Naku kung lalaki lang ako.... Ewww... Anyway, ganda mo sis! Sige pose ka doon sa tabi ng mga mannequin" At ayun, posing dito posing doon.

Tapos nagpalit ulit ako pero siya pa rin pumili ng isusuot ko pero this time, yung presentable na pinili niya.  Gabi na nung matapos kami.

Pagkauwi ko ng bahay, wala pa si mama. Si auntie Ria, may bibilhin lang daw na needed sa work niya. Clerk kasi siya. Si kuya, as usual wala. Buti na lang at kumain na kami ni Mich bago niya ako inihatid dito.

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon