Chapter 21

35 1 0
                                    

Megan's POV

"P230,000?!"

"Oo nga, paulit-ulit"

"P230,000 talaga!?"

"Kulit, oo nga at tataas pa yan mamaya"

Unbelievable.  Ang laki ng premyo at tataas pa raw.  WTH? Grabe, ang yayaman naman ng mga tao.  Nakita ko si kuya Lendell, kasama yung B.I. friends niya, tumataya yata.  Lalapitan ko sana kaso pinigilan ako ni Spencer.

"Saan ka naman pupunta? Magsisimula na"

"Teka lang, pupuntahan ko lang si kuya"

"May kapatid ka pala? Saan?" Tinuro ko yung lalakeng naka.green shirt with white stripes.

"Seryoso kang kapatid mo siya?"

"Oo nga, bakit ba?"

"Di ako makapaniwala.  Sorry pero dito ka lang Megan" Anong problema nito? Or better yet, anong problema nila kay Kuya?  Napansin kong lumalapit yung grupo nila kuya sa amin kaya agad akong binigyan ng jacket ni Spencer.

"Suotin mo bilis" Di na ako nagtanong, sinuot ko na lang at umupo sa gilid.

"Long time no see MHG.  Buti at pumayag si Four na makipagkarera" Four? Ang gulo ha.  Teka nandun din si kuya, baka makita niya ako kaya hinila ko si Ryan para takpan ako.  Mukhang gets naman niya kaya di na siya nagtanong.

"Syempre, it would be a good race.  Worth betting right?" Sabi ni Alvin.  Ang angas nila ha.  Di ba sila magkakasundo?

"Of course One.  Lahat naman ng laban ni Four ay worth betting"

"So kanino kayo tumaya, Nine?" Tanong ni Ryan.

"Kay Nathan" Si kuya ang sumagot.

"Oh, bakit sa kanya naman?" Nagtatakang tanong ni Spencer.

"Why would we bet on our mortal enemy Three?"

"Aww. Parang di naman tayo naging magkakaibigan Seven" Naguguluhan na talaga ako ha.  Bakit puro numbers naririnig ko? Code names? Gusto ko ng magtanong pero not now.

"That was before bago niyo kami gaguhin"

"Kami pa ang may kasalanan, kung nakinig lang kasi kayo sa amin---"

"Shut up! Past na yun, let's not dwell on it.  We're matured individuals now.  Sana lang di siya madisgrasya"

"He'll be fine Six, you don't have to worry"

"Looks like the match is about to start. Tara na" Narinig ko na lang naglalakad na sila paalis.

"Hambog pa rin kahit kailan ang Infinite. Tsss" Lumapit naman sa akin si Spencer.

"Buti di ka nila napansin" Nagsmile nalang ako sa kanya kahit alam kong di niya makikita dahil sa helmet ko.

"Spencer, bakit puro numero mga ta-----" Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang nagsalita yung announcer something sa karera.

"Good evening ladies and gentlemen!  Good to see such a huge crowd tonight! Mukhang ang daming supporters ng dalawang nag-gwagwapuhang karerista natin" Naghiyawan yung mga tao.

"Sino rito ang mga supporters ni Nathan de Jesus?" Naghiyawan yung mga tao, alam ko naman na marami talagang taga-hanga si Nathan.  Tumingin ako sa kanya and he's smiling at..... Camille. He loves her already.

"Ang lakas! Yung mga supporters naman ni Mark Francis Santiago, let me hear you!" Mas malakas na hiyawan narinig ko, nakakabingi.  Pati sina Alvin, Ryan at Spencer sumisigaw.  Supportive! Kinalabit ko si Alvin.

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon