Megan's POV
"Girlfriend ka ba ni kuya?"
"Ang ganda mo pala ate, swerte naman ni kuya Mark"
"Tumahimik ka nga muna Binx, kita mong nagtatanong pa ako"
"Shuddap Shun!" (pronounced as Sean/Shan)
"Ano nga ulit name mo? Ay tama Megan! Ate Megan, nice name"
"Bolero ka talaga kuya"
"Ikaw ba kinakausap? Wag kang epal"
"Wag ka ng pumorma, kay kuya na si ate"
"Weh? Totoo ba yun ate Megan?"
Nakakaloka. 1 hour na ako nandito sa bahay nila Mark, nilagyan ng bandage ng maid nila yung paa ko and kung anu-ano pa ginawa. Ipagpahinga ko raw muna sandali. Kaya heto ako ngayon sa sala nila, kasama ang dalawa niyang kapatid. Sina Joshua at Bianca. Kanina pa sila nagtatanong at nag-aaway, sumasakit tuloy ulo ko.
"Ha? Friends lang kami ng kuya niyo. Hehehe"
"Ang cute mo talaga ate Megan! Sweetie na lang itatawag ko sa iyo pwede?"
"Hoy Joshua Santiago, tumigil ka nga! Susumbong kita kay kuya"
"Eh di isumbong mo, friends lang naman sila"
"Grow up will you?"
"Mind your own business will you?"
"Ano ba kayong dalawa, chill lang, kulit niyo talaga, hehehe" Yun na lang nasabi ko. Mukhang aso at pusa tong dalawang to.
"I'm back! Pasensya na, na.traffic" Sabi ni Mark. Umalis siya sandali para bumili ng materials needed sa project ni Bianca. Mabait naman pala tong si Mark eh.
"Kuya, si Shun oh, pinopormahan si ate Meg. Magalit ka bilis!" Ay ano yun? Inuutusan ang kuya sa kung ano ang irereact? Hahaha
"Binx, hayaan mo na si Shun, loving talaga yan" Sabay appear sa kapatid na lalaki.
"Ano ka ngayon Binx? So ano ate, sweetie na tawag ko sa yo ha? Please!" Sabay puppy eyes. Ang cute hehehe, sarap pisilin ng cheeks!
"Teka, Megan pangalan niya, hindi sweetie. Gets mo Shun? Kung hindi, problema mo na yan."
"Sweetie gusto ko eh! I wanna be your boyfriend ate Megan!" What? Seryoso ba siya? 3 years tanda ko sa kanya.
"Umandar na naman pagkapilyo mo. Sige, hatid ko na si Meg." At tinulungan ako ni Mark tumayo.
"Sama kami!" Sabay na sabi nung dalawa.
"Dito lang kayo, baka dumaitng na sina mama at papa"
"Sabihin mo gusto mo lang solohin ang sweetie ko! The moves mo kuya, luma na!" Tumawa lang si Mark. Grabe mag-asaran tong magkakapatid na to, parang kami lang ni kuya.
Di nagtagal, nahatid na ako ni Mark sa bahay, inalalayan niya pa rin ako hanggang sa makapasok sa loob...
"Unggoy, bakit nga----" Natigilan si kuya sa sinasabi niya.
"Can't you see, naaksidente ako oh, di mo kasi ako pinuntahan sa park!" Pero di sumagot si kuya, nakatitig lang siya kay Mark. Ganun din si Mark kay kuya.
"May problema ba?" Not sure kung kanino ko ba dapat itanong. Di pa rin sila sumasagot, geez, ano bang meron?
"Thank you ulit sa paghatid Mark" Tapos pumasok na ako. Pero sumilip muna ako at nakita kong lumapit si kuya kay Mark
"Well well well, ikaw pala yan Santiago"
"Di ko akalain na kapatid ka ni Megan"
"Bakit naman?"
BINABASA MO ANG
Learn to Love Again
Teen FictionThey say that love is the most beautiful thing in the world---but not anymore for Megan. She's been hurt enough that she decided to close her heart and stay away from the things or people that connect her with love. Mark's been hurt by the woman w...