Megan's POV
"Mats, we need to talk"
Di pa ako nkaka.recover sa shock na nandito si Nathan pero bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Talk? Bakit parang di ko gusto ang tono niyan.....
"Halika ka muna Meg, doon muna tayo sa gilid"
At nauna na siyang maglakad. Tumingin ako kina Pat at Mich at nagsmile sila pero parang di sila sigurado kung matutuwa o kakabahan ba.
Sumunod ako kay Nathan, doon sa parking lot, sa tabi ng kotse niya.
"Mats, di mo naman sinabi na manunuod kayo ng basketball game ngayon. Nahirapan tuloy akong ma.contact ka kanina, cannot be reached phone mo. Kaya nagtext ako kay Pat at sabi niya na nandito nga kayo."
"Mats kasi..."
Kinakabahan talaga ako, nakita niya kaya yung ginawa ni Mark? Oh no! I can explain naman eh pero parang hindi ako makapagsalita...
"Meg, I'm sorry"
Nagpapanic na ako, bakit siya nagsosorry? May nagawa ba ako o may nagawa ba siya? No! Umiiyak na ako...
"Nathan, *sniff sniff* hindi ko naman *huk huk* ginusto yun eh...."
Hinawakan niya yung dalawa kong kamay...
"Ano ba pinagsasabi mo Meg? Di ginusto ang? Wag ka ng umiyak, 1 month lang naman ako mawawala"
Ano raw? Kung ganun, di niya alam yung nangyari kanina... Pero mawawala?
"What do you mean?" Halata yung takot sa tono ko.
"Mats, kaya gusto kita makausap ngayon kasi nagdecide sina mama at papa na magbakasyon sa Palawan. One month daw kami roon. May sakit si lolo kaya bibisitahin namin."
"Ganun ba? Kaw naman kasi... akala ko ano na, kinabahan tuloy ako!" Tapos hinampas ko siya kaso mahina lang.
"Pasensya na rush talaga, kaninang umaga lang sila nakapag.decide na aalis kami kaya nagmadali na akong mag-impake para makausap ka agad"
"Pasensya na kung hindi rin kita na.text o natawagan kasi nagmamadali na rin kami kanina papunta rito.... Kelan pala alis niyo?" Tapos pinunasan ko na yung luha ko.
"Mamayang hapon, 4 pm to be exact"
Ah, mamayang hapon pa pala eh, may time pa kami para magbonding.... akala ko naman..... teka, MAMAYANG HAPON? 4 PM?
"Agad?" Naiiyak na naman ako.
"Oo Meg, sorry. Pinilit ko sila na i.move bukas pero wala raw flight papunta Palawan, ngayon lang then after 3 days pa ang susunod."
Tumulo na yung luha ko. Pasensya na, iyakin lang talaga kasi ako. Simula nung namatay si Papa, lagi na lang akong umiiyak. Kapag may malapit sa akin na aalis, iiyak agad ako. Dapat nga eh masanay ako pero parang ngka.phobia ako na kapag may aalis, baka di na sila bumalik.
"Ssshhh.... Meg, one month lang naman. Tahan na. Tatawag ako palagi at mag.ym, skype, viber, twitter o facebook tayo"
"Adik mo! Sasama ako, I mean ihahatid ko kayo!"
"Wag na Meg, anniversary niyo ngayon ng mga bessies mo. You should spend this day with them. At tsaka walang maghahatid sa iyo pauwi if nakaalis na kami."
"Pero Nathan naman!"
"Meg, wag ng matigas ang ulo ha?" Tapos niyakap niya ako.
"Madali lang yan, keep yourself busy here. Spend time with Pat and Mich, pati na rin sa family mo. Isali na rin natin si Miley hahaha"
BINABASA MO ANG
Learn to Love Again
أدب المراهقينThey say that love is the most beautiful thing in the world---but not anymore for Megan. She's been hurt enough that she decided to close her heart and stay away from the things or people that connect her with love. Mark's been hurt by the woman w...