Megan's POV
15 minutes na ang lumipas. Medyo tumahimik na rin ang mga tao. Hinihintay kung sinong unang makakabalik. Di ako mapalagay.
"Ok ladies and gentlemen, you can still place your bets here. P50,000 pesos na ang premyo. Kaya pili na kayo."
Ano ba talaga ang nakataya sa karerang ito at kailangan pa talagang sumali ni Nathan?
"Meg, kape oh" Alok ni Dion.
"Dion, Bojie, alam niyo ba kung bakit pumayag si Nathan sa karera ngayon?"
"Ewan ko nga ba ryan sa boyfriend mo, tinawagan ako nung isang araw, siya raw ang kakalaban kay Bryan ngayon." Sabi ni Bojie
"Yun lang ba?"
"Basta sabi niya lang na kailangan niyang manalo kahit anong mangyari" Sabi ni Dion.
"Sige salamat" At naghintay lang kami 3. Kung ano man yun, sana manalo si Nathan.
"Ayan mga kaibigan, may paparating na. Sino kaya ang mananalo? Si Bryan ba o si Nathan?"
Nagdadasal na ako. Lord, please let Nathan win.
"Malapit na! Nangunguna si Mr. de Jesus!"
Hay salamat! Konti na lang Mats, mananalo ka na.
Nang biglang binangga ni Bryan yung motorbike ni Nathan.
Sumigaw na ako. "Nathan!"
Nathan's POV
Ang sakit ng ulo ko. Aray, ano bang nangyari?
"Mats! Buti naman at gising ka na! Ano, masakit ba? Tatawagin ko muna si doc"
"Meg, huwag. Dito ka lang muna please."
Tapos umupo siya sa gilid ng kama.
"Ano bang nangyari Mats?"
"Wala kang maalala?" Worried na tanong niya.
"Wala pa, masakit pa yung ulo ko. Bakit ng ba ako nandito?"
"Mats, malapit ka na sa finish line kaso nakahabol si Bryan at nung makita niya na mananalo ka na, binangga niya yung motorbike mo ng ilang beses hanggang sa na out of balance ka then nahulog tapos......."
"Tapos ano?" Nagpanic ako bigla.
"Bumangga yung ulo mo sa gilid ng side walk at nawalan ka agad ng malay"
Hinawakan ko agad ulo ko. May bandage nga. Pero ang lalo kong kinatakot ay yung na.realize kong natalo ako.
"Hindi! Hindi to pwede! Ako dapat yun, malapit na akong manalo! Ako dapat yung nanalo Meg!" Niyuyugyog ko na si Meg. Nagagalit na naiinis ako sa sarili ko at kay Bryan dahil sa nangyari. Ang hayop na yun! Hindi talaga siya titigil.
"Nathan tahan na. Sabi ko naman sa iyo na wag na lang sana..."
"Meg, hindi mo naiintindihan! Kailangan kong maipanalo yun! Tapos ngayon... wala na...."
Naramdaman kong mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko.
"Ipaintindi mo sa akin Mats. Naguguluhan na ako. Ano ba ang problema?" Umiiyak na siya. No! no no! Di ko pwede sabihin. Baka may paraan pa.
"Meg, wag ka ng umiyak. Ssshhh.... kaya gusto ko manalo kasi...kasi...." Ayaw kong magsinungaling pero kailangan. Meg, para sa iyo tong ginagawa ko. "Kasi.... may motorbike na ibinibenta. Original yun at new model, di gaanong kamahalan. Kapag nanalo ako, aside sa cash na makukuha ko,... ahm, sigurado ng sa akin mapupunta yun" Ano ba tong sinasabi ko. Mukhang di kapani-paniwala.
BINABASA MO ANG
Learn to Love Again
Novela JuvenilThey say that love is the most beautiful thing in the world---but not anymore for Megan. She's been hurt enough that she decided to close her heart and stay away from the things or people that connect her with love. Mark's been hurt by the woman w...