Chapter 4

85 1 0
                                        

Megan's POV

"Surprise! Happy 23rd Monthsary!"

Sabay pagsabog nung confetti, cheerdance lang? Hahaha

But I can't believe this. Sa likod to ng bahay namin. At nasa harap ko eh sina mama, auntie at kuya pati na rin sina tita, tito at yung driver nila, siya siguro nag-alalay sa akin. May hawak silang banner na may mga picture namin ni Nathan at may nakalagay na happy 23rd monthsary mats.

Naiiyak na ako. Asan na ba yung lokong yun? Akala ko dine out kami, yun pala may surprise tlaga siya.

No mountain's too high enough, no oceans too wide

'Cause together or not, our dance won't stop

Let it rain, let it pour, what we have is worth fighting for

You know I believe that we were meant to be

Si Nathan, with a very beautiful bouquet of roses. Kumakanta at papalapit sa akin tapos nilapag niya yung flowers sa table doon sa gitna at lumapit na naman sa akin sabay abot ng kamay.

It's like catching lightning the chances of finding someone like you

It's one in a million the chances of feeling the way we do

And with every step together

We just keep on getting better

So can I have this dance?

Can I have this dance?

Sumasayaw na kaming dalawa ngayon habang kumakanta siya at si kuya yung nag.guiguitar.

"Nagustuhan mo ba Mats? O ba't ka umiiyak? Naku, di ba maganda boses ko? Ilang araw na ako ng.vovocal lessons para dito. Sorry na sa boses Mats, I tried my best..."

Niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"Mats, ang saya ko sobra! Parang nanalo ako ng jackpot sa lotto. Ang swerte ko kasi kahit ang pangit, I mean kahit di pang.singer material yang boses mo, napa.kilig at napasaya mo ako ng todo. Di ko inaasahan to. Mahilig ka talaga ng surprise!"

"Grabe naman yung pangit, frustated singer lang mats. Hahahaha"

"Ehem, nandito pa kami. Oh siya doon lang kami sa loob mga anak, enjoy eating ha?" Daddy ni Nathan.

"Oo, kami pa ni Ellen nagluto niyan kaya for sure masarap! Pakabusog kayo." Mommy ni Nathan

"Huwag ng umiyak Meg, sige ka papangit ka nyan." Mama ko.

"Aysus, iiyak-iyak yan para masabihan ng ganun. Arte mo tlaga Meg!" Kuya ko.

Hahabulin ko na sana at susuntukin ng biglang pinalo ni auntie Ria.

"Hoy Lendell, magsorry ka kay Meg! Sorry Meg, kung alam mo lang, tumulong si Lendell sa pag-aayos dito" Sabi ni auntie Ria.

"Napilitan eh" Sabi ni kuya.

Aysus, kahit ganyan si kuya, love ako niyan. Ngayon ko lang napansin totally yung decor. May mga christmas lights sa puno at sa may damuhan then sa baba ng table may puting cloth na puno ng red at pink petals. Tapos yung table puno na ng pagkain with 3 candles sa gitna. May mga hearts shapes na papel din sa paligid at kung titingnan ng mabuti, may nakadikit na pictures namin ni Nathan.

'Mats, thank you. Effort na to masyado"

"Para sa iyo Meg. Kain na tayo?"

So umupo na kami at pagbukas ng mga takip. WOW! Mga paborito ko to! May kanin, Lasagna, fried chicken, pizza, calamares, adobo, mango float, leche flan at orange juice!

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon