Chapter 12

26 0 0
                                    

Megan's POV

One month. One month na ang lumipas simula nung break-up namin and it had been so hard.  I'll admit, until now di pa ako nakaka.move on dahil marami pa ring tanong na di nasasagot.  Buti na lang nandyan yung pamilya at mga kaibigan ko to cheer me up.  Nagfocus din ako sa studies ko, I don't want to disappoint my mom.

"Ok class, here are the results from your quiz last time" Algebra ngayon at binabalik na ni ma'am Chua yung papers namin.

"Bessy, anong score mo?" Tanong ni Pat.

"Di pa binabalik, ikaw?"

Kumunot naman noo niya.. "34/60 lang naman. Bagsak!"

"Kasi naman sinabihan na kitang mag-aral, puro shopping ka lang!"

"Ano ka ba, syempre malapit na ako mag.17 so I need to buy things for my party"

"Whatever" Yun na lang sinabi ko. Next week na kasi birthday ni Pat, July 18.

"And for the 3rd time this sem, the highest or should I say the one who got the perfect score is miss Malazarte"

Napaangat naman ako sa sinabi ni ma'am, naperfect ko ulit? Wow! Nahirapan nga ako sa quiz na yun. Nagpalakpakan at nagcongrats naman yung mga classmates ko.

"Ikaw Megan, di ka naman namimigay ng answers"

"Oo nga, share your blessings"

"Magdonate ka naman ng konting part ng utak mo sa akin"

Yan na nga ba sinasabi ko, tukso rito tukso roon. Pero at least, mataas yung grade ko :)

"Ok class, next week na yung exam natin so I want you to study hard especially almost half of the class ay bagsak sa quiz na ito"

"Paano naman kasi ma'am, ang hirap ng mga problems mo! Sa discussions, madali pero pagdating sa quiz, ang hirap na!" Sabi ni Ryan.

"Oo nga ma'am, pwede madali lang yung problems sa exam?" Sabi ni Pat.

Ay naku, suportahan ba naman ang crush? Nagpapacute si Pat kay Ryan these past few days pero di pinansin ang beauty niya, paano ba naman kasi may ka.fling si Ryan dito sa class namin.

"Walang mahirap para sa taong nag-aaral ng mabuti. Class dismissed!"

"Grabe naman si ma'am, ang hirap kaya ng quiz. Oy bessy, turuan mo ako ha? Kailangan ko makapasa sa exam"

"Ok, basta ba huwag ka muna punta ng punta sa mall"

"Speaking of mall, punta tayo dali, I need to buy a dress na susuotin ko!"

"Di ka pa ba nakakabili? 3 times this week ka na pumupunta roon ha?"

"Syempre, di sapat yang 3 times to choose the perfect outfit! Dali na!"

Unbelievable talaga tong si Pat. Isa ito sa disadvantage sa pagiging masyadong girly, maraming arte. Oooppps, sorry naman, nakakapagod kasi maglakad ng ilang oras tapos pasok sa kung anu-anong stalls.

"How about this?" Tanong ni Pat. Tiningnan ko lang siya then nag.nod. 7th dress niya na yan na sinukat.

"Hmmm... di bagay sa skin tone ko, miss paabot nga yung isa" I rolled my eyes. Grabe, bagay naman sa kanya kahit anong isuot niya. Matapos ang 10 tries.

"Sa kabilang stall nga tayo, wala akong nagustuhan dito"

"Alam mo bessy, bagay naman sa iyo yun especially yung blue na may glitters"

"Pero ayaw ko yung bagsak ng skirt" Hay ewan....

"Dito tayo bilis!"

Papasok na sana kami sa stall na yun ng lumabas si Nathan kasama ang isang girl. Napatigil ako, ganun din si Pat. Ilang segundo rin kami nagtitigan.

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon