Chapter 28

25 0 0
                                    

Megan's POV

Nandito kami ngayon sa hospital kasama sina Shun at Binx.  Nung mawalan kasi ng malay si Mark at duguan pa, tumakbo agad ako papunta sa bahay nila since malapit lang.  Buti na lang nandun driver nila para maihatid kami sa hospital.

"Ate, magiging ok lang si kuya di ba?"

"Oo naman Binx, matapang yang kuya mo" Then I hugged her. Kanina pa kasi umiiyak si BIanca habang itong si Shun, ayun, naglalaro lang sa cellphone niya

"Kuya Shun, natawagan mo na ba sina mama at papa?"

"Oo, tatapusin lang daw nila yung meeting tapos pupunta na sila rito"

"Paano kung ma.coma si kuya? Paano kung di na siya magising? Paano ku---"

"Shut up Binx! Masyado ka lang paranoid diyan.  Relax lang, ok lang yan si kuya, matagal mamatay ang masamang damo"

"Shun! Grabe ka naman kay Mark" Di ako makapaniwala na sinabi niya yun

"Hahaha, pero joke lang! Kayo naman napakaseryoso.  May tiwala ako sa Panginoon at alam kong hindi Niya pababayaan si kuya"

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Because I have faith and so I believe and when I believe, anything could happen and when anything could happen, I choose to believe that he will live"

"Wow, ang lalim nun kuya!" Tapos pumalakpak si Binx, pati ako nakisali sa pagpalakpak. 

"Malalim talaga, katulad ng pagtingin ko sa babaeng yun" Napatingin naman ako sa may likuran ko kasi doon siya nakatingin

"Ha? Sinong babae kuya?"

"Yung naka.yellow na shirt na may dalang red bag" Pagkasabi niya nun, nagulat ako.  Seryoso ba itong si Shun sa sinasabi niya?

"Bessy! Bakit ka nandito?" Lumapit si Pat and hugged me, I hugged her back

"Kasi, naaksidente si Mark, dinala namin dito"

"What?! Asan siya? Paano? Bakit naman?"

Pero bago pa ako makasagot, lumapit si Shun sa kanya sabay abot ng kamay

"Ako na mag-eexplain sa iyo magandang binibini, ako nga pala ang kapatid ni Mark, Joshua Santiago, young and handsome at your service"

"Ah eh, hehehe, nice meeting you Joshua, ako si ate Patricia" Nakipag-kamay naman si Pat kay Shun. Bumulong ako kay

"Kilala mo kapatid ni Mark?"

"Ngayon lang, bakit?"

"Kasi sabi niya may pagtingin daw siya sa iyo?'

"WHAT?!" Napasigaw siya.

"Sssshhhh..... baka nagjojoke lang si Shun"

"Hindi ako nagjojoke ate Meg.  Since wala akong pag-asa sa iyo dahil di mo naman pansin efforts ko, kay ate Patricia na lang ako!" Niyakap niya bigla si Pat

"Friend ka pala nina ate Meg at kuya Mark! Magaling, di na kao mahihirapan!" Lumayo bigla si Pat

"I.text mo na lang ako kung ok na si Mark ha? Got to go bessy, byeeee!" At nagmamadaling umalis.  Di ko rin maintindihan si Shun, nagbibiro ba o totoo na yung mga sinasabi.....

"Tagal naman ng doctor ate Meg" Hayyy, tinitingnan pa kasi nila si Mark, baka raw may internal bleeding o ano pang damage... sana wala naman.....

"Excuse me, kayo po ba mga kamag-anak ni Mr. Santiago?" Lumapit sina Binx at Shun.  Pero mukhang nag-aalinlangan yung doctor

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon