Chapter 27

49 0 0
                                    

Megan's POV

"Ma, alis na po kami!" Paalam ko kay mama, nandito na kasi si Ric. Nagpasama siya sa akin pumunta ng mall para mamili pa ng mga gamit.  Commute lang kami kasi di pa niya nakukuha license niya.

"Himala at naka.dress ka anak?" Naku po! Kaya di ako agad bumaba para hindi mapansin ni mama yung suot ko kasi sigurado, tutuksuhin ako nun.  Buti na lang at umalis si kuya.

"Masama na ba magdress ma? Tsaka matagal ko na rin ito di nagagamit" Palusot ko na lang.  Nag-ayos talaga ako para sa lakad namin today. hehehe, syempre, nagpaganda para kay crush ;)

"Ganun ba, mabuti naman at kasya pa rin" Sabay tawa

"Ma naman eh!" Tumawa na lang din si Ric

"Sige po tita, alis na kami. Ako po bahala kay Megan, baka sa labas na rin kami magdinner"

"Date ba yan Ric?" Ano ba itong tanong ni mama! Nakakahiya!

"Hahaha, pwede na rin"  O.o pwede na rin? What is the menaing of this?! Medyo natulala ako roon ah, di ko na narining pinag-uusapan nila tapos bigla silang tumawa

"Ha? Anong meron?" Tanong ko

"Mukhang excited na yung anak ko sa date este lakad niyo, sige, ingat kayo ha?"

"Opo tita" Pumara na kami ng taxi at pumunta ng mall.

Sinamahan ko siya mamili ng damit kaya pumasok na kami sa iba't ibang stalls.

"Meg kitty, tingnan mo tong polo, bagay ba?" Tiningnan ko naman...

"Yung maroon ang kunin mo, wag yan, mas bagay siguro yun" Sabi ko

"Sige try ko muna" Nagfit na rin siya kaya umupo muna ako sa sofa ng stall na ito.  Kanina pa kami rito, marami kasing magaganda.....

"Miss, boyfriend mo ba yun?" Tanong nung sales lady.  Future boyfriend pero syempre joke lang.  Assuming ko naman! Hehehe

"Ay hindi po, bestfriend ko lang" Sabay ngiti.

"Ang gwapo kasi, lahat ng sinusukat niya eh bagay" Sabi nung isa

"Ano ba ang pangalan?" Baka i.stalk nila si Ric kapag sinabi ko....

"Ah ano, Zac! Tama, Zac ang name niya!" Hahaha, yun naman yung sinabi niya sa mga girls nung nag-arcade kami last time

"Kasing gwapo at hot ni Zac Efron!" Nagtilian naman silang dalawa.  Doon ko lang narealize na habulin ng babae si Ric.... mukhang marami pa akong magiging karibal pero joke lang! Ano na bang nangyayari sa akin?

"Megan! Ano, bagay?" Tumingin ako sa kanya at medyo nawindang ako! Ang gwapo! Bagay na bagay yung polo sa kanya, gosssshhhh, parang artista!

"But wait, there's more!" Nagtaka ako bakit nasabi niya yun pero masyado pa kasi akong na.starstruck sa nakita ko kaya nung nagsalita siya ulit....

"Ayan, ano, pwede na bang artista?" Wala, napa.nganga na lang ako sa nakita ko, bakit ba kasi nakakadagdag pogi points ang shades? Shocks, ang hot niya tuloy tingnan!

"Hahaha, yung mga mukha niyo! Hahaha" Bigla akong naconscious at inayos yung sarili ko pero paglingon ko, nakita ko yung dalawang saleslady, naka.nganga rin at nakatutok kay Ric. Ganyan ba itsura ko kanina kasi kung oo, nakakahiya!

"Ikaw kasi eh, masyado mong pinagyayabang kagwapuhan mo!"

"So gwapo pala talaga ako?'

"Ha? Bingi! Sabi ko ang pangit mo kaya magbihis ka na nga!"

"Wag mo na kasi i.deny, kaw na mismong nagsabi, wala ng bawian"

"Aish! Bihis na!" Timutulak ko na siya papasok ng fitting room.  Goodness, tong lalakeng to. 

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon