Chapter 16

38 0 0
                                    

Camille's POV

"Saan ka na naman nanggaling Camille?" Oh great, nandito na naman siya sa bahay and I'm sure sesermonan ako nito.

"Paki mo?"

"Don't be such a b*tch, galing ka kay Mark ano?"

"Oo na! Happy?" Nakakainis si Nathan, kung makaasta, akala mo boyfriend ko.

"Maawa ka na sa kanya Camille, wag mo na siyang lokohin pa, nahihirapan na yung tao"

"FYI lang Nathan, I am also doing you a favor here, the more na pinapaasa ko siya, nakakaganti ka na rin sa panlolokong ginawa nila ni Megan"

"To be honest, I don't believe na niloko nila tayo.  I can say na friends silang dalawa"

"So ano, mahal mo pa yung ex mo noh?"

"Matagal din yung napagsamahan namin ni Megan, di mawawala basta-basta yung pagmamahal ko sa kanya but I'm trying for you"

"Whatever you say" Megan na naman.  Honestly, kaya ko pa rin pinagpapatuloy yung pagpapaasa kay Mark kasi paano naman ako di ba? Wala ng manlilibre, maghahatid o sundo sa akin. Syempre, di ko naman alam kung seryoso si Nathan sa akin, nandyan nga siya sa tabi ko pero feeling ko dahil lang sa may nangyari sa amin.  Di ko pa kayang pakawalan si Mark hanggat di ko pa tuluyang nabibihag si Nathan.  Selfish na kung selfish, it's for my own benefit naman.

"Please Camille, itigil mo na yan.  Ako na lang ang papalit kay Mark dyan sa puso mo"

"Nagpapatawa ka ba Nathan? Bakit, mahal mo ba ako tulad ng pagmamahal niya ha?"

"Hindi pa pero susubukan ko"

"Don't do this dahil napipilitan ka, so what kung nawala virginity natin, does that mean responsibility mo na ako ha?"

"What do you want Camille? Pabayaan kita?"

"Pwede rin" Pero bakit parang ang sakit nung sinabi ko yun. Gusto ko ba talaga to?

Paalis na si Nathan....

"Nate! I'm sorry, just give me until this year with Mark and I promise titigilan ko na siya"

"Bakit pinapatagal mo pa?  Why not end it now?" Dahil sisiguraduhin ko muna na before the year ends, in love ka na sa akin Nathan.  Then titigilan ko na si Mark.

"Hindi naman kasi pwede biglaan Nathan, I'll just become cold to him then gradually, mawawala na feelings niya"

"Sigurado ka sa promise mo?"

"Promise" And I'm sure tototohanin ko yung pangako ko.

Megan's POV

Mabilis natapos yung sembreak.  Tambay sa boutique nila Mich, gala with the bessies, linis sa bahay, at nabasa ko na yung 4 na libro ni John Green, yun kasi niregalo sa akin ni Pat habang yung gift ni Mich ay make up kit, di ko naman nagagamit. Hahaha

"Buti na lang wala akong bagsak last sem kaya niregaluhan ako nila mommy at daddy ng... tadaa!" At pinakita ni Pat ang iphone 5 niya.

"Congrats Pat! Mag-aral ka lang kasi ng mabuti"

"Why are you congratulating her Meggy? If I know puro copy paste lang si Patty patootsie sa answers mo!" At tumawa ng malakas si Mich.

"Grabe ka naman bakla, 70% lang naman eh, yung 30% pinaghirapan ko naman"

"Oh sige na, baka malate na tayo Pat. Kita kits na lang mamaya Mich"

"Babush bessies!"

May Calculus pala kami this Sem, gusto ko ito!  Nung matapos na lahat ng subjects namin for today, nagdecide kami nina Pat at Mich na manuod ng movie, The Host baby!

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon