Megan's POV
Jason Garcia. Check! Kirt Patrick Manoy. Check! 1 Unknown guy. Check! Lendell Malazarte. Check! Pumasok sila sa isang apartment dito sa Velez street. Door #7. Isang unknown guy ang may-ari. Check. Hay naku Meg, ano ba tong ginagawa mo? Tama ba naman magspy ka sa kapatid mo? 3rd week of April na ngayon and napapansin kong madalas umalis si kuya kaya naman today, naisipan kong sundan siya. Hindi madali ha, todo cap and shades pa ako tapos bitbit ko pa itong camera na regalo sa akin ni Ric nung birthday ko last year. Pinadalhan talaga niya ako ng gift, gadget pa! Just in case may kailangan akong kunan ng litrato.
"30 minutes na sila, ano kayang pinagkakaabalahan nila sa loob?" Nasa may tindahan lang kasi ako malapit sa apartment na pinasukan nila. Ewan ba pero iba kasi ang feeling ko kay kuya lately, parang may tinatago siya na ewan. Laging late umuuwi, minsan eh hindi talaga. Tapos ang daling magpanic. Parang sira lang.
"Ah manang, kilala niyo ba kung sinong mga nakatira sa apratments dyan?" Tanong ko sa tindera sa tindahan.
"Kilala ko yung iba hija, dito kasi sila bumibili"
"Kilala niyo kung sinong umuupa sa door #7?"
"Isang estudyante sa Ateneo de Davao University, Mikoy yung pangalan, bakit mo naitanong?" sa AdDu? Same school pala kami.
"Wala lang po. Patambay muna rito ha?" Tapos bumili lang ako ng mga chichirya at nagbasa ng Safe Haven ni Nicholas Sparks. 2 oras na pero di pa rin sila lumalabas. Nagtext ako kay kuya...
To: Kuya Lendell
San ka na? Late na.
Nagreply naman siya agad
Mamaya pa ako uuwi, magagabihan na siguro
So magagabihan din ako kapag ganun?
Magagalit na si mama sa iyo promise! Uwi na nga kasi!!!
Ano ba kasi ginagawa nila sa loob.
Kulit mo, istorbo!
Wala ako mapapala nito, sinasayang ko lang yung oras ko. Aalis na sana ako ng makita ko si Dion, yung friend ni Nathan na lumabas mula sa door#6.
"Dion!" Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Megan, long time no see ah. Anong ginagawa mo rito?" Nagsa-spy sa kapatid ko kaso di ako tanga para sabihin yun hahaha
"Ah, napadaan lang at tumitingin kung may vacant na apartment para sa friend ko" Gosh, nagsisinungaling na ako ngayon. So not me.
"Ganun ba? Occupied na lahat dito eh"
"Sayang, dyan sana sa door #7, mukhang maganda. Sino bang nakatira dyan?"
"Ah, si Mikoy Rivera" Chance ko na ito.
"Close ba kayo?" Bahala na basta kailangan may makuha akong info ngayon.
"Naman, gusto mo pasok tayo?" Tapos naglakad na siya papuntang door #7.
"Koymiks! Bukas!" Patay! Makikita ako ni kuya nito.
"Naku wag na, sige ali------"
"Megan?" Yan na nga bang sinasabi ko.
"Kuya?" Arte lang Meg. Sana lang tumalab.
1 week later
"Di mo pa rin ako papansinin ha?" Mabilis lang ako naglakad paakyat. Ayoko siyang makausap. Masakit.
"Megan naman, pakinggan mo muna ako" Bahala ka. Di pa rin ako makapaniwala.
"Meg, listen first okay before you jump into conclusions" Tiningnan ko lang siya ng masama. Ano akala nito, tanga ako para di malaman kung anong kababalaghan ginagawa nila all these time?
![](https://img.wattpad.com/cover/4857976-288-k12114.jpg)
BINABASA MO ANG
Learn to Love Again
Teen FictionThey say that love is the most beautiful thing in the world---but not anymore for Megan. She's been hurt enough that she decided to close her heart and stay away from the things or people that connect her with love. Mark's been hurt by the woman w...