Chapter 26

25 0 0
                                    

Ric's POV

"Anak, papunta na siya rito. Act like a man okay?"

"Okay ma" Wala na akong choice. Nandito kami sa restaurant ngayon para i.meet ang aking soon to be fiance.

"Maiwan ka na namin anak ha? Good luck, I'm sure you'll like her!" Yeah right, there's only one girl that I like, mali, that I love.

Umalis na sila mama at papa. 12 noon kasi kami magkikita ni ms. Hernandez. Ang alam ko eh family friend sila at mayaman dahil sa business nila na isang land developing company. Before kami nagpunta ng Italy, binenta nina mama at papa yung lupain namin sa kanila. Binili naman nila para maging asset, siyempre business eh...... pero last year, nagkaproblema kasi nalaman ng mga Hernandez na peke yung mga documents ng title sa lupa. Nagulat din kami at nalaman namin na niloko pala sina mama at papa nung umasikaso sa titulo ng lupa namin. Kaya ang nagyari, maraming fees na binayaran sina mama at papa at idinemanda pa nila yung nanloko sa amin kaya nabaon kami sa utang. Yan yung inasikaso namin ng umuwi kami ng Pilipinas last time, yung hindi ako nagpakita kay Megan. Yun din yung panahon na nakipagkasundo sina mama at papa sa mga Hernandez na ipakasal na lang ako sa anak nila na babae pero nawala yun ng akala namin na okay na ang lahat pero......

"Excuse me, are you mr. Zamora?" Babae, siya na siguro ito.

"Ako nga, and I presume that you are ms. Hernandez" Nagsmile siya

"The one and only"

"Maupo ka muna" Umupo siya sa harap ko. Okay, mabuti siguro kung kakain muna kami, mamaya ko na siya kakausapin tungkol sa balak ko.

"Order muna tayo" Binigyan agad kami ng menu at umorder. Nang makaalis na yung waiter

"Masyado yatang formal kung apelyido ang tawag natin sa isa't isa don't you think?"

"Oo nga eh, parang nasa business lang?" Tapos tumawa siya. Hmm.... mukhang mabait naman at maganda naman din siya.

"What shall I call you?"

"Call me Ella, ikaw?"

"John" Tapos inabot ko yung kamay ko para makipagshake hands. Ayokong tawagin niya akong Eric o Ric, yung mga close ko lang ang tumatawag niyan, kapag strangers, John ang sinasabi ko.

Nagkwentuhan lang kami about important info tungkol sa amin, kung saan nag-aaral and the like. Okay naman siyang kausap, friendly. Kumain na kami at nung matapos na.

"Ella, to be honest, ayoko sa deal na ito" Seryoso kong sabi pero bigla siyang tumawa

"Bakit John? Napapangitan ka ba sa akin ha?" What? Hindi yan ang inaasahan kong response niya.

"Joke lang! Kaw naman, ang seryoso ng mukha mo, para kang namatayan! Hahaha" Medyo kalog pala tong isang to eh.

"Ok, I'm sorry, baka isipin mo na may sira ako pero ganito lang talaga ako, masayahin... Ahm, ako rin naman, I don't like this deal and I think meron kang proposal sa akin"

Paano niya nalaman yun? Mind reader din ba to?

"Tama, may proposal ako. Alam kong malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa inyo at alam ko rin na kaya ka ipinagkakasundo sa akin dahil na rin sa request ng lola mo...."

"Dahil kay lola, yes. So what's the great plan?"

"Simple lang naman and I bet na naisip mo na rin ito. Siyempre, gusto natin maging malaya pero we are tied because of our parents... kaya naman we'll pretend that we're very much okay kapag nandyan sila para makaiwas na rin sa sermon nila"

"Tapos kapag wala sila, we'll go our separate ways? Tama ba?"

"Tama nga.... pero para di tayo tuluyang ma.engage, ipapalabas natin later on na di tayo nagkakasundo o meron na tayong ibang mahal"

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon