Chapter 15

39 0 0
                                    

Mark's POV

Kagagaling ko lang maglaro ng basketball kasama mga friends ko rito sa subdivision, naglakad lang ako pauwi, cool down na rin.  Napadaan ako sa park at napansin ko ang iingay ng mga bata...

"Kawawa na si ate, tama na nga yan"

"Last na to promise"

"Bakit kasi rito siya natutulog, ayan tuloy siya napag-isipan nating laruan"

"Grabe ka kasi mag-isip ng laro, gawin bang papel ang balat?"

"Tumahimik na nga kayo, baka magising pa siya"

"Ako naman susulat!"

Ano ba yung pinag-uusapan nila? Kaya lumapit ako at nakita ko ngang sinusulatan nila yung balat ng babae, mga bata ngayon ang weird mag-isip!

"Itigil niyo na yan. Sige isusumbong ko kayo sa pulis" Nagsitakbuhan naman sila.  Umupo ako sa tabi nung babae para gisingin sana siya kaso...

"Nathan, mahal pa rin kita..."

Sleep talking?

"Ano bang meron siya na wala ako?..."

"Miss, gising na" Pero tulog pa rin yata.  Kinuha ko yung libro at nagulat ako ng makita ko si Megan.  Lakas din ng trip ng babaeng to, dito pa talaga natulog.  Binalik ko ulit yung libro sa mukha niya.  Ano bang gagawin ko?  Mukhang heartbroken pa rin siya, buti na lang kami ni Camille ay ok.

"Ang sakit Nathan, ang sakit..." Tinitingnan ko lang yung drawing sa legs niya, hindi ako manyak ha! Nakakatawa itsura niya sa totoo lang kaya pinucturan ko muna siya! Nagdecide na akong gisingin siya sa ayaw o sa gusto niya.

Ilang beses ko siyang pinoke at sa wakas nagising din.  Nagpalitan lang kami ng conversation at nalaman kong wala na pala tatay niya.  Malungkot siguro siya kasi pati boyfriend, iniwan siya.  Nagpaalam na si Megan at bigla niya akong niyakap.

"Hep hep hep! Friendly hug lang yan ha? A sign of giving thanks,baka ano isipin mo!"

Natawa ako roon, may other side naman pala siya aside sa pagiging suplada sa akin. 

"Wag kang defensive, alam ko naman"  Niyakap ko rin siya, ewan parang feeling ko ito yung kayang mabigay ko dahil alam kong malungkot siya.  Ayaw ko kasi nalulungkot ang mga babae, fragile kasi sila, dapat pinapasaya at hindi sinasaktan.  Umuwi na rin ako sa amin at nilagay yung libro na bigay ni Meg sa may desk ko pero nakita ko na naman yung isang stick yung ginagamit sa drums, yung isa nasa akin, yung isa nasa kanya.... asan na ka siya?  Tiningnan ko ulit yung stick at may nakalagay na M&M.

--------------------------------

Megan's POV

October 6 na so meaning, bukas na ang 17th birthday ko.  Pero heto ako ngayon, nag-aaral ng mabuti kasi the day after my birthday, finals week na.  Kailangan maganda yung grades ko to retain my scholarship.

Never mind I'll find someone like you, I wish nothing but the best for you....

May tumatawag, oh wag magreact sa ringtone ko, maka.Adele ako lately since the break up.  It's Ric

"Milo boy bakit ngayon ka lang tumawag ha? Explain yourself not more than 50 words!"

"HB ka yata ngayon Meg kitty? I'm sorry ok?  Masyado kasing maraming nangyayari sa buhay ko lately."

"Mind sharing it with me?" Namiss ko si Ric, di na kasi siya tumatawag tapos kung magtweet kami yung kumustahan lang.

"Perhaps some other time? Wag kang magagalit sa sasabihin ko ok?"

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon