Megan's POV
"Buti na lang at bumili ka pa ng tatlong canned juice Meg para kina Bebot, Amanda at Ric"
"Oh kumusta byahe niyo?"
"Ok naman, pasensya medyo delayed yung flight from Manila papunta rito"
"Salamat pala sa juice at pagsundo niyo sa amin"
"Naku, wala yun. Ang tagal na talaga natin di nagkita, kumusta ang Italy?"
Blah blah blah blah blah....... Yung apat na matatanda lang ang nag-uusap. May sasakyan na palang nirentahan sina tito para gamitin pauwi.
"Uy Megan, kanina ka pang tahimik dyan. May problema ba?" Paano ba naman, I'm still in shock na makita ka! I mean kahit na close tayo syempre iba pa rin kung nasa harap na. 6 or 7 years din kaya yun.
"Eh kasi, wala. Hehehe, di ko kasi akalain na kayo yung susunduin namin. Di ka man lang nagsabi!" Tapos pinalo ko siya sa braso.
"Surprise nga kasi eh! Di pa nga namin sinasabi sa pamilya namin, aayusin muna namin yung bahay then magpaparty, invited yung family at syempre kayo"
"Bahay?"
"Good news Meg! Dito na ulit kami titira! Galing ano? Nakabili na ng bahay sina papa pero sad to say hindi same subdivision sa inyo"
Saglit lang talaga, tama ba ang narinig ko? Dito na ulit sila titira? Pakurot naman oh, baka dream lang ito......
"Araaaay! Bakit mo ako kinurot?"
"Tulala ka na naman kasi. Hindi to dream ok?" Oh no sago, mind reader ba siya?
"Ah hehehe, permanent na talaga? Bakit naman?"
"Yep. Bakit ba yan tanong mo! Hahaha. Di ka ba masaya na nandito na ang original bff mo?"
"Masaya syempre. Excited na akong ipakilala sa iyo sina Pat at Mich!" But before that, dapat ko muna silang pagsabihan na magbehave, baka ipagkalat nilang crush ko si Ric hehehe
Nagkwentuhan lang kami hanggang makarating kami sa bahay nina Ric. Iniwanan lang namin yung mga gamit nila then umalis para maglunch sa mall. After kumain, gumala kami ni Ric at nag.Timezone!
"Basketball tayo?" Alok niya.
"Magaling ka ba?" Pang-aasar ko. Kasi lampa to si Ric nung mga bata pa kami.
"Minamaliit mo yata ako. 7 years, malaki ng pinagbago ko Megan"
"We'll see about that" Then nagsimula na kaming magshoot. Di ko alam kung gaano na kami katagal doon basta alam kong pinagpapawisan na ako at nangangalay na yung kamay ko.
"Booyah! 192! Beat that!" Sigaw ko kay Ric pero pagtingin ko sa kanya, nagshoshoot pa rin siya at ang score niya ay 324 and still counting O.o.................. Wala, nakisama na ako sa mga taong nakatutok at na.aamaze sa kanya. Ang galing, lahat pumapasok.
"Ang galing naman niya. Gwapo at macho pa oh..."
"Yung muscles, grabe lang sister. Lapitan natin mamaya ha?"
"Sige, may panyo ka? Pinagpapawisan na oh"
"Teka, meron ako. Lalagyan ko muna ng perfume!"
Napatingin ako sa gilid. Aba, ang haharot naman. Sa tingin ko eh highschool pa lang yata ang mga ito. Tumingin na lang ulit ako kay Ric at tama nga, ang macho niya. Laki na talaga ng pinagbago. Di ko na siya pwedeng tawagin na lampa. Hayssss.
"648, iyan ba ang lampa ha?" Napatingin ako kay Ric, wow ang galing. Pero bumaba yung tingin ko sa basang shirt niya. Bakas tuloy yung macho niyang katawan. Oh my goodness, Meg look to the right look to the left. Pero ayaw sumunod ng ulo ko, tong lampa na ito, macho na ngayon? Saan ang hustisya?
BINABASA MO ANG
Learn to Love Again
Teen FictionThey say that love is the most beautiful thing in the world---but not anymore for Megan. She's been hurt enough that she decided to close her heart and stay away from the things or people that connect her with love. Mark's been hurt by the woman w...