Chapter 19

30 0 0
                                        

Megan's POV

37, 38, 39, 40, 41, 42, 43, 44, 45, 46, 47................................... Nagbibilang ako sa ulo ko.  I'm trying to prolong my patience.  It's been 4 hours na nag-aaral kami pero di pa rin natatapos.  Weekend nga pero nandito naman ako sa lib at tinuturuan tong masungit na ito.  Next week na kasi ang finals tapos si Mark, sakit sa ulo, 5 times lang ako sinipot sa tutorials these past 2 weeks.

"Ayan na oh! Sigurado akong tama na yan" Tiningnan ko lang siya ng masama. Kanina pa kami hindi magkasundo kasi ang laki ng mood swing niya.  Ako na lang itong umiintindi.

"Mark, mali pa rin. Check the signs.  Negative times negative is positive."

"Sh*t! Sakit na ng ulo ko ha"

"Wag ka nang magreklamo, ulitin mo nga"

"Pagod na ako. Break muna"

"Nagbreak ka na kanina, tapusin na natin to"

"Eh sa wala ng pumapasok sa ulo ko. Di ko na maintindihan!"

"Kasi kung everyday ka nag-attend ng tutorials last week, di ka na mahihirapan"

"Oo na, kasalanan ko na! Hindi lang naman kasi Calculus yung priority ko"

"Ay tama, pati paglalandi naging priority mo na" Napailing na lang ako.  Tumayo siya bigla at kinuha lahat ng gamit niya...

"Aalis ka na?"

"Di ba obvious?"

"Di pa tayo tapos, may 2 topics pa!"

"Next week na lang yan"

"Mark naman!"

"Kung yung demerit ang inaalala mo, pakopyahin mo na lang ako para wala ka ng problema" Oh my God.  Ganun lang kasimple?

"Cheating will never be the solution.  Lahat ng dinadaan sa madalian, magbubunga lang sa mas malaking problema."

"Ikaw na ang matalino! Ikaw na ang magaling! Sorry naman kung bobo ako"

"Walang taong bobo. Sadyang tamad ka lang mag-aral"

"Bahala ka nga dyan.  Bagsak kung bagsak" At umalis na nga sya ng tuluyan.  Langya, ANG SELFISH GRABE! Grrrrr...... Bahala siya, basta I did my part.  Kung bumagsak, eh di may demerit ako, no choice.  Kung pasado naman, magpapa.fiesta ako, promise!

"Grabe ka talaga Mark Santiago! Di ka na naawa sa akin, matapos lahat ng pagpapasensya ko, ganito lang?! Ikaw na ang pinaka.selfish na tao na nabuhay! Di naman mahirap kapag buong puso mong tinanggap kaso hindi eh, pinangungunahan ka nyang katamaran mo pati na rin nyang paglalandi mo. Ay grabe lang talaga!" Kung anu-ano na pinagsasabi ko habang nagliligpit ng gamit. Uuwi na rin ako, marami pa akong pag-aaralan.

"Grabe ka naman pala maglitanya, nakakatakot" Napalingon ako bigla.

"Narinig mo lahat yun?" Nahihiya kong sabi.  Paano ba naman, tong bunganga ko, mahirap i.control kapag naiinis na talaga ako.

"Ok lang yun, di naman masama ilabas lahat ng hinaing mo" At nagsmile siya sa akin. Ipinagpatuloy ko lang yung pagliligpit ng gamit ng magsalita siya ulit.

"Pagpasensyahan mo na si Mark.  Mahirap yung pinagdadaanan niya ngayon"

"Ah, nahihirapan siyang mag-aral at the same time lumandi at the same time mag.move on?" Inosente kong tanong.

"Para kang jealous girlfriend niya, alam mo yun" Tapos tumawa siya ng malakas.

"Sige, tumawa ka lang ryan.  Kapag ikaw bumagsak, lagot ka kay Monique!"

Learn to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon