(GRIEGO COUSINS #1)
Seven years after his mother's tragic death, Angelus Griego's father, Simon Griego, made a life-changing decision to marry a wealthy businesswoman with a troubled past and a sick child. Angelus, known for his charm, intelligence...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"College na tayo pero hindi pa rin tayo makawala sa P.E. Ano bang mayroon diyan? I was excited to take this program tapos hindi pa rin pala ako maililigtas sa zumba!" si Lorraine, isa sa mga ka-block mate ko matapos ang practice ng zumba namin para sa P.E.
Nagmamadali kong nilagay ang pawisang t-shirt sa dalang bag. Ngayong araw ang birthday ni Reina. She didn't attend the class to prepare. Kahit si Maureen ay absent para maghanda.
Maiintindihan ko pa si Reina dahil siya ang birthday girl. But Maureen? And her reason? She needs to look her best because of Kuya Angelus. So ridiculous.
Isa sa mga drivers ng Griegos ang sumundo sa akin. Mama's already waiting for me with her makeup artist and stylist. Sina Kuya Angelus at Papa Simon ay nasa QC pa para sa emergency meeting. Susunod na lang ang mga ito sa venue.
Kahapon lang ang dating ng gown ko. Mama was nervous dahil akala niya hindi iyon aabot dahil nahirapan ang designer. Kung si Haydee iyong kinuha namin, for sure mapapadali. But I hate her, so this is fine.
Nagmamadali si Mama nang makarating ako. Pinasama na niya sa akin ang tatlong kasambahay para tulungan akong maligo. I don't know what to do first. I just found myself in the bathtub. May nag-a-apply ng treatment sa aking buhok, may nag-s-scrub sa aking katawan, at ang isa ay may kung ano-anong nilagay na cream sa mukha ko.
I wanted to send them out. Ngunit mukhang desidido sila dahil utos iyon ni Mama. To be honest, I am not looking forward to this. Of course, I want to celebrate Reina's birthday. Ngunit hindi ako mapakali dahil sa gown ko.
The designer came up with his own design after seeing me and checking my body. Sinabi ko iyon kay Mama ngunit ang sabi niya lang ay, "Borris knows better."
"Here, Miss Farida." Iginiya ako ng makeup artist sa harapan ng vanity table ng malaking dressing room ng mansiyon.
"Please, just minimal make-up..." I said as I sat on the chair.
"Don't worry. I saw your gown and a glossy look suits it." Aniya at nagsimula na.
Mama's done with her preparation. Inaasikaso niya na lang ngayon ang regalong hinanda para kay Reina at ang gagamitin naming limousine. Galing pa iyong Taguig at pinapunta lang talaga rito para iyon ang sakyan namin.
I heard there was media coverage. Maraming celebrities ang dadalo. Even businessmen are invited. Sa lahat nang Griego, ang pamilya ni Gunther ang kilala sa media. Iyon ang sabi ni Mama.
Tita Natashia was a highest-paid actress back then. Ngunit nang ipagbuntis si Gunther, tumigil ito sa trabaho. Habang si Tito Gustav ay kilalang chemist internationally. The only lowkey Griego is Papa Simon, and well... let's include Kuya Angelus.