Chapter 27

48 3 0
                                    

W/N: Grabe! Inabot ako ng 3,000 words which is, first time in forever~

Yanna's Pov

I was silently scrolling through my Facebook Feed, not really expecting something interesting--- not until a post made me stop in my tracks.

My eyes widened as I stared at my phone, and in an instant, I could feel my cheeks heat up.

I saw a black-headed boy with an appealing sunglasses. Nakaside-view ito kaya kitang-kita ang matangos nitong ilong at. . . Naka top-less.

Kaagad 'ko namang nakilala kung sino ito.

It was Luhence Austin.

Teka nga, paano napunta sa news feed 'ko 'to?!

Sa pagkaka-alala 'ko, hindi 'ko naman siya in-accept, ah?

Pero infairness, ang pogi niya rito.

Halos malula naman ako sa dami ng nag-react sa post niyang 'yon.

1k react! Grabe.

Hindi 'ko inaakala na sikat pala ang ugok na 'to.

Sunod 'ko namang tinignan ang comment section. Nacurious ako dahil ang daming nag-comment, mga 100 plus.

Halos ang mga kaklase lang naman namin ang nagcoment pero meron 'ding iilang tao na hindi 'ko kilala.

Hindi 'ko alam pero awtomatikong napunta ang paningin 'ko sa abs niya at napalunok ako sa nakita.

Eight-pack abs!

Wala sa sariling napakagat ako sa kinakain 'kong tinapay.

" Masarap, sis? "

Napatango-tango ako. " Oo. . "

Pero kaagad din akong napahinto nang mapagtanto 'ko ang tinutukoy niya.

Lumingon ako sa tabi 'ko at nakita 'ko si Ate Thea na nakataas ang kaliwang kilay habang nakatingin sa akin.

" Masarap pala, ha? Sino 'yan? " Awtomatiko 'kong itinago ang phone 'ko kahit alam ko na nakita niya na ang tinitignan 'ko.

" W-Wala, Ate. Napadaan lang sa feed 'ko. "

Hindi niya pinansin ang sinabi 'ko. " Kelan 'ka pa naging manyak?! "

Nanlaki ang mga mata 'ko sa sinabi niya.

Ano? Manyak na kaagad?

" Ate naman, e! Napadaan nga lang. "

" Sus! E, halos lumuwa na nga 'yang mata mo! "

" Hindi, ah. Imahinasyon mo lang 'yon. " Sabi 'ko at umalis sa tabi niya.

Baka kasi kung ano pa ang maisip niya at baka kung ano pang itanong niya.

Tsaka ako? Pagpapantasyahan 'yang Austin na 'yan?! Hindi na 'no!

Halos mangilabot ang buong katawan 'ko sa isiping 'yon.

Nagulat lang ako sa nakita 'ko kaya ganon ang naging reaksyon ko.

Kinuha 'ko ulit ang phone 'ko, balak 'ko na sanang mag-off pero nanlaki ang mga mata 'ko nang makitang na-like 'ko ang post ni Austin kung saan nakatop-less siya.

Aligaga 'kong tinanggal ang like na 'yon at napahawak sa puso 'ko.

Mukhang aksidente 'kong nalike ang post niya habang nag-uusap kami ni Ate Thea.

Pero hindi 'yon ang importante ngayon.

Ang tanong lang, mag-nonotif pa rin 'ba sa kanya 'yon kahit na natanggal 'ko na ang react 'ko?

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now