Chapter 5: Doctor. Hampson

22 1 0
                                    


Limang araw ang lumipas, maayos naman ako dito at walang nang-aapi saakin at nang-aaway maliban nalang kay Viler. Para kaming aso't pusa, maraming bagay kaming hindi napag-kakasunduan at pinag-aawayan, katulad ng sinabi ko sa sarili ko hindi ako mag papaapi kahit kanino man

“Hoy yong headset mo nalimutan mo” wika ko ng akmang lalabas na sana siya ng pinto at pupunta sa trabaho niya. Naka-upo lang ako sa kama, nanonood habang ngumunguya ng popcorn, may tv kasi dito sa kwarto niya

Binalingan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay ng makitang kunot noo siyang nakatingin saakin “Ano? sabi ko yong headset mo nalimutan mong dalhin”

“Headset?” nirolyohan ko siya ng mata, pambihira naturingang doctor tapos 'di alam kung ano ang ibig kong sabihin

“Yong bagang ginagamit niyo para mapakinggan yong tibok ng puso, hysss Doctor payan tapos ang slow” paano kaya siya nakapasa sa exam?

Naglakad siya palapit sa mini table at dinampot yong sinasabi ko “Hindi 'to headset, it's call stethoscope” napailing siya na ikinakabit balikat ko lang, ede stethoscope, sorry ha, bobo lang

“Sige nga kung matalino ka, what is the definition of stethoscope?”

“It is a medical instrument for listening to the action of someone's heart or breathing. The small disk-shaped resonator is placed against the chest, and two tubes connected to earpiece”

“Ede, wow” walang gana kong sabi. Okay na matalino na siya, bobo lang ako, since birth. Walang gana niya din akong tiningnan bago tuluyang lumabas ng pinto

Naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto, dahil wala akong magawa ay isa-isa kong tiningnan ang mga gamit niya, hindi naman sa pake-alamara ako pero trip ko lang talaga

“Ma'am, pinapatawag po kayo ni señora” wika saakin ng yaya, tumango naman ako at ngumiti, sinaraduhan ko muna ang pinto bago sumunod sa kanya

“Nasaan po siya?”

“Nasa kusina po” magalang na sabi niya saakin, sumunod ako sa kanya at pagdating ko ng kusina ay nakita ko si Señora Victoria na may hawak na lunch box at inilalagay ito sa paper bag

“Oh hija, nandiyan kana pala” wika niya ng makita niya ako “Pinapatawag mo daw po ako, grandma?” hinawakan niya ang likod ko at malambing akong tiningnan

“Oo Cath, bilang fiance ni Viler gusto kong dalhan mo siya ng pagkain para mamayang tanghali, para naman maka build kayo ng connection, you know what i mean”

Ako? dadalhan ng pagkain yong mukong na 'yun?

Ayaw ko sana pero nakakahiyang tanggiyan si Señora Victoria, kaya no choice.

“Sige po”

“Grannyyy!” parehas kaming napatingin sa pintuan ng may marinig kaming boses at si Hailey yoon na kararating lang, elegante siyang manamit, naka hills at maraming dalang paper bags. Nag shopping yata siya kanina

Nakakasundo ko naman si Hailey pero nahihiya padin ako sa kanya, hindi pa kami gaanong close

Humalik siya sa pisnge ng matanda, ang sweet at lambing niya “baka nakalimutan mo yong inutos ko” wika ni grandma Victoria, ngumiti si Hailey at masayang tumingin saakin

“Syempre naman hindi” lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay hinila ako “Teka lang, saan mo'ko dadalhin?” naguguluhang tanong ko “Grandma saan niya po ako dadalhin?” imbis na sagutin ako ay ngumiti lang siya saakin

“Tara na ate Cath, it's time to shine, akong bahala sa'yo” it's time to shine?what is she mean?

Hindi na ako nag reklamo pa sa halip ay nag patianod nalang ako “Slow down” paalala ko dahil subrang bilis niyang maglakad, halatang excited, ano bang meron?

Stars on the skyWhere stories live. Discover now