Chapter 20: Love vs Career

19 2 0
                                    


Cathlyn POV

As i live day by day with him, our connection to each other are growing and our relationship is getting stronger.

Four months of being married with him and fulfilling my responsibilities as his wife is not easy. Hindi pala madaling pumasok sa isang realasyon but as long as you love each other and try to understand what ever the situation is, mananatili kayong matatag

“may seminar pala kayo, sayang” nakangusong sabi ko kay Kristel. Nasa bahay niya ako ngayon, binisita ko siya para kumustahin nagiging busy na kasi siya nitong mga nakaraang araw, hindi kami nakakapag usap ng maayos dahil madami siyang ginagawa. Kaya ito ako ngayon, ako na yong gumawa ng paraan para makita ko siya

“babawi ako next time” nakaupo kami sa sofa habang kumakain ng cookies, i started to tell her the whole story tungkol saamin ni Viler. Simula nong mga bata palang kami hanggang sa kung ano ang nangyari saamin ngayon

Nakikinig naman siya saakin “ang dami palang nangyari”

“yeah, but i'm still a virgin dude” nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala akong tiningnan

“v-virgin kapa? hoyyy totoo?”

“oo nga”

“ilang buwan na kayong kasal?”

“mahigit... four months”

“pfftttt” kunot noo ko siyang tiningnan nang takpan niya ang bibig niya at pinigilan ang sarili na matawa “anong nakakatawa?” seryusong tanong ko habang naka taas ang isang kilay

“Cathy” nirolyohan ko siya ng mata dahil puro tawa lang siya, nauna yong tawa kaysa sa chika. “imagine, sa loob ng apat na buwan, wala manlang nangyari sainyo”

“tapos?” yoon ba yong reason kaya siya natatawa? ang babaw naman yata ng kaligayahan ng babaeng 'to

“anong tapos? Cath, apat na buwan siyang tigang” humalakhak siyang muli na mas lalong ikinakunot noo ko.   May point naman siya pero hindi padin nakakatawa, hindi valid yong reason para matawa. Abormal nga naman

Pero oo nga 'no, apat na buwan na siyang tigang. Masama ba akong asawa?

“hindi mo manlang pina-isa, grabe ka sis. Kung ako ikaw gusto ko every day and every night” napailing lang ako, tingnan niyo 'tong babaeng 'to. May pagka malàndi talaga, teacher pa ya'n.

“ede wow, wasak na wasak kana no'n” pabalang kong sabi kay Kristel. Uminom ako ng juice pagkatapos ay pinagmasdan ulit siya na walang tigil sa katatawa

“kantahan kita, gusto mo?”

“mabuti pa nga, kanina pa ako binabanas sa kabaliwanan mo” maganda naman ang boses ni Kristel. Natatandaan ko noong highschool palang kami, lagi niya akong kinakantahan. Marami tuloy na i-inlove sa kanya sa subrang ganda ng boses niya.

Umayos ako ng upo nang sa tingin ko ay ready na siyang kumanta. “ano palang kakantahin mo?”

“bubuka ang bulaklak” eh?

“nursery song? seriously?” nanahimik nalang ako para magkaroon siya ng pagkakataong kumanta, isip bata padin talaga.

“okay, sisimulan ko na, ha?”

“whatever, just do what you want” walang gana kong sagot

“then, witness how beautiful my voice is. In one, two, and three” she talk a breath before she started to sing

“bubuka si Rayvana papasok si Tyviler” ha?

“tataas, bababa. Ang saya saya” luh, nabaliw na.

“boom teyaya boom teyaya boom, ugh, ugh” eh?

Stars on the skyWhere stories live. Discover now