Chapter 30: Relax

27 2 0
                                    


Isang linggo ang lumipas, things got changed. I finally have the family that i dreamed. Buo kami, masaya at wala na akong mahihiling pa.

Ave was so happy kasi lagi niya ng nakikita ang daddy niya, as well as me. Ang saya-saya ko dahil hindi matutulad yong anak ko sa mapait kong karanasan. Sandaling kasiyahan, pero lumaki na hindi buo ang pamilya.

I talk to Viler last night, sabi ko. Ayaw kong magaya si Ave saakin, alam ko na alam ni Viler ang tungkol sa sinapit ko noong mga bata pa ako, sinabi ko yoon sa kanya dahil alam ko na mapapagkatiwalaan ko siya, at isa pa, para alam niya.

Isang araw, sabay kaming pumasok ni Viler sa trabaho habang si Ave naman ay naiwan sa bahay ng lolo at lola ni Viler.

“Pwede namang, sumakay nalang ako sa taxi” mahinang sabi ko dito. Nakatayo padin ako habang siya ay nasa loob na ng kotse niya at hinihintay akong sumakay. Napabuga siya ng hangin bago mag salita “Sakay na”

“Pero kasi ano...” concern lang naman ako, syempre iniisip ko din ang mga posibling sabihin ng mga tao kapag nakita nila na mag kasabay kami ni Viler at doon pa nila ako makikitang nakasakay sa sasakyan niya. Sure ako na, pag uusapan lang kami nito.

“Sasakay ka o, hindi?” napakamot batok ako. Ang tigas kasi ng ulo niya, sabing baka ma-chissmiss lang kami.

“One...”

“Baka kasi...”

“Two”

“Hoy...”

“Sakay” madiin nitong sabi kaya naman wala na akong nagawa kun'di sumakay. One week kasi akong 'di pumasok at ito yong unang beses na papasok ako kasabay siya

Sumakay na nga ako pero sa likuran, akala ko ay papaandarin na niya yong sasakyan pero nang hindi niya gawin 'yon ay napatingin ako sa kanya. Seryuso siyang nakatingin saakin sa pamamagitan ng salamin, napakagat labi naman ako dahil sa tingin niya.

Ano bang problema niya?

Sumakay na nga ako at lahat, badtrip pa siya

“Dito ka sa harap sumakay”

“Pero kasi-”

“Isa” napailing ako at napabuga ng hangin bago lumipat sa harap.

“Good girl” nakita ko ang pag ngisi nito nang sumunod ako sa gusto niya. Ayaw ko lang talagang maging topic ng mga marites sa hospital, hys.

Nang makarating na kami doon ay agad niyang pinaandar yong kotse niya, pinag-buksan niya ako ng pinto na siyang ingiti ko lang.

Nag lakad na kami papasok ng hospital ngunit gano'n nalang ang pagkagulat ko ng hawakan niya ang kamay ko na naging dahilan para mag tinginan saamin ang mga tao na nakapansin saamin

“H-hoy, bitawan mo nga ako. Nakakahiya” bulong ko dito. Sabay padin kasi kaming nag lalakad habang mag kahawak ang aming mga kamay at mukhang wala yata talaga siyang balak na bitawan ang kamay ko.

Nakakahiya pa naman

Napapalunok nalang ako sa tuwing nahahagip ng mga mata ko yo'ng mga taong nakatingin saamin at malamang sa malamang ay pinag-uusapan na kami.

“Bitaw na kasi”

“Why?” tumigil siya sa paglalakad at kung minamalas nga naman ay doon pa siya tumigil sa kung saan ay maraming tao. May mga nurse, pasyente, doctor at psychiatrist.

“Can't you see? pinag-titinginan nila tayo”

“And?”

“Nakakahiya”

Stars on the skyWhere stories live. Discover now