Chapter 14: Caring Doctor

21 3 0
                                    


“Cathy”

“Cathy”

“hoy!”

“CATHLYN RAYVANA FUENTES!” nabalik ako sa ulirat at napatakip tainga pagkatapos ay inis na tiningnan si Kristel. Kanina niya pa pala ako tinatapik pero hindi ko man lang naramdaman dahil lumilipad na naman yong utak ko.

“ano? hindi mo naman kailangang sumigaw, naririnig naman kita”

“naririnig daw eh, samantalang kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo”

“ede sorry”

“binigyan kalang ng goodbye kiss ng asawa mo tumigil na agad ang mundo mo” pigil tawang wika ni Kristel na ikina-ikot mata ko lang. Pero ba't naman kasi ako hinalikan ni Viler ng walang pasabi? grabe ang epekto niya saakin

“may nag seselos dito”

“Shut up, Kris” inis na sabi ni Greg. Hindi ko nalang sila pinansin bagkos ay nauna na akong maglakad sa kanila

Kung saan-saan kami nakarating, ang saya ko ngayong araw. Highschool pa kasi ako nong huli naming bonding, simula no'ng namatay si papa hindi ko na ulit naranasan ang gumala kasama ang mga kaibigan ko. Mahigpit kasi si tita Sam eh

May pagkakataon na tumatakas ako kay tita Sam pag-gabi kaso ngalang si Kristel at Daine ang pinupuntahan ko, si Greg kasi nagpa manila, doon na siya pinag-aral ng parents niya.

By the way, may isa pa pala akong kaibigan, she is Daine Leonor Ambersmith. Bihira ko lang siyang makasama dahil bantay sarado siya ng papa niya, mayaman siya kaso laging napapahamak ang buhay niya, ewan ko ba kung bakit, rich kid kasi ay.

Ngayong panahon na 'to, sigurado ako na tapos na siya ng college. She studied Bachelor of Science in Business Administration (BSBA). Ewan ko lang kung may trabaho na siya, feel ko ayaw niya pa. May pagka-maarte din yoon sometimes eh

Masaya naman ako kasi may narating yong mga kaibigan ko. Teacher si Kristel, engineer si Greg at future Ceo naman si Daine. Ako kaya, may mararating kaya ako sa buhay?

Ngayong araw ay nakabuo nanaman ako ng masasayang ala-ala, kumain kami, namasyal sa kung saan-saan at katulad ng dati para padin kaming mga bata. Hindi lang nga kumpleto dahil wala si Daine.

“sa tingin ko kailangan ko nang umuwi” wika ko matapos tumingin sa relo ko, binilhan ako ni Viler ng relo. Ang bait niya 'no?

“mamaya na, ihahatid ka nalang namin” wika ni Kristel habang kumakain ng ice cream, meron din ako pati si Greg. Masarap talagang kumain lalo na kapag libre

“pero malapit ng mag five, kailangan bago mag five thirty ay naka-uwi na ako. Baka galitan ako ni Viler- este ng asawa ko” ngumuso saakin si Kristel. Gusto ko mang wag na munang umuwi at makasama sila kaso iba na yong buhay ko ngayon, may asawa na kasi ako. Sabi ni Viler kahit na mag asawa lang kami sa papel kailangan padin naming igalang at e-respeto yong sinasabi at desisyon ng bawat isa. Meaning, kailangan ko siyang sundin

“another minutes, please? six kana umuwi, ihahatid nalang kita. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkasama-sama” dagdag pa ni Greg

“sige na” gatong ni Kristel. Hindi na ko nakatotol pa, matagal ko na din naman silang hindi nakakasama kaya pagbibigayan ko nalang. I'm sure that Viler will understand me

____

Sa subrang kabang nararamdaman ko ay halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko, ang bilis ng tibok. Anong oras na kasi pero hindi padin ako nakaka-uwi ng bahay. Malapit na kami sa bahay, inihatid naman ako ni Greg.

Sabi ko uuwi na ako ng six, kaso napasarap pa yong kwentuhan namin kaya inabot kami ng 7:30 ng gabi. Gagalitan ako nito ni Viler eh

Walang signal yong cellphone ko kanina, kaya hindi ko siya nasabihan na mala-late ako ng uwi

Stars on the skyWhere stories live. Discover now