Chapter 15: Necklace

41 4 1
                                    


“bakit nandito ka? dapat hindi kana bumalik pa” medyo na irita ako sa sinabi niya. Paano ako 'di babalik eh dito ako nakatira.

“bahay 'to ng mga magulang ko, syempre babalik at babalik ako dito”

Mapang asar siyang napatawa “bahay daw, sorry pero hindi na ngayon” kunot noo ko siyang tiningnan. Anong ibig niyang sabihin?

Lumingon ako kila yaya Jona, pero umiling lang ito kaya napuno ako ng pagtataka

“anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko. Sa halip na sagutin ako ay inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa tiyan niya habang magkapatong. Idagdag mo pa yong nginunguya niyang bublle gum na lalong nagiging dahilan para mas mag mukha siyang masungit

“Caz, tinatanong kita. Anong ibig mong sabihin?”

Nag palubo siya ng bubble gum ngunit kalaunan ay pumutok din “simple lang, ibenenta na namin ang bahay na ito. At sa susunod na linggo lang ay dadating na yong bagong may-ari. Kaya sorry ha, kung umasa ka na may babalikan kapa” nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Para akong binagsakan ng langit at sinaksak ng daan-daang kutsilyo.

Hindi na talaga sila mag babago, tama na. Ayaw ko ng umasa pa

Binigyan sila ng 10 million ng lola ni Viler kapalit ko, hindi pa sila nasiyahan na ibenenta nila ako tapos ang kasunod naman ay yong bahay. Bahay ng mga magulang ko.

Kinuha na nga nila saakin ang lahat eh, yong perang mamanahin ko kay papa kinuha nila. May mga lupain din na pagmamay-ari si papa, ibenenta din nila ang mga yo'n. Kinuha nila ang lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko at bilang anak, nasasaktan ako

Nasasaktan ako dahil lahat ng naipundar at mga pagmamay-ari nila ay napunta lang sa wala.

Napakuyom kamao ako habang pinipigilan ang pag patak ng luha ko habang marahang umiiling. Pinatatag ko ang loob ko dahil ayaw kong ipakitang mahina ako, not now and not this time.

“ahmm yaya Jona, uuwi na po ako” Gusto ko lang umiwas sa gulo

“sige hija mag iingat ka” gusto ko ng umuwi, nang gagalaiti ako sa babaeng kaharap ko. Baka hindi ako makapag timpi, kung ano pang magawa ko.

Kinuha ko ang shoulder bag ko na nakalagay sa upuan at isanakbit sa balikat ko, aalis na sana ako pero agad akong pinigilan ni Cazzy

“sandali lang, ate” mapang asar niyang sabi at diniinan pa ang katagang ate. Natutuwa ako kapag tinatawag akong ate pero hindi ngayon. Nakaka insulto ang paraan ng pagkakasabi niya

“matagal ko na yang hinihingi sa'yo, pero ayaw mong ibigay” napatingin siya sa kwentas na suot-suot ko. Hahawakan niya sana ito pero pinigilan ko siya

“No, this is not yours” ang dami niya ng kinuha saakin pati ba naman yong kwentas na ibinigay saakin ni little stranger gusto niyang makuha. Nag papatawa ba siya?

Importante saakin ang kwentas na ito kaya hindi ko sa kanya ito ibibigay,
never

“kwentas lang ya'n, bakit ba napakahalaga niyan sa'yo?”

“because i'm not like you, hindi mo'ko katulad. Lahat ng bagay na meron ako ay pinapahalagahan ko”

“whatever, wala na akong magagawa kong ayaw mo. Madamot ka kasi” madamot daw? marami na nga silang nakuha saakin, madamot pa ba yo'n?

“madamot pala ha” napabaling ako sa kaliwa “itong madamot” ihinarap ko ulit ang tingin sa kanya at pagkatapos ay walang alinlangan ko siyang binigyan ng  isang malakas na sampal. Malakas ang tunog nito at tumabingi pa ang mukha niya

Oo, nag hahanap na ako ng gulo. Matagal na kasi akong hindi nakakatikim ng gano'n eh.

Nag angat siya ng tingin pagkatapos ay ngumisi saakin, mabilis ang naging pangyayari hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakikipag sabunutan sa kanya.

Stars on the skyWhere stories live. Discover now