Chapter 28: Daddy!

59 2 0
                                    


Masama ko siyang tiningnan, bahala na nga yong panty ko. Bibili nalang ako ng bago.

Bakit ba kasi ayaw niyang ibalik? aanuhin niya ba yoon?

“bahala ka na nga diyaan” aalis na sana ako pero agad akong natigilan nang biglang kumulog ng malakas. Sinulyapan ko ang bintana, gayon nalang ang pag ngiwi ko nang makitang madilim na sa paligid. Tumingin ako sa orasan ko at 6:21 na agad

Bakit ang bilis naman yata ng oras?

Hahakbang na sana ako ngunit natigilan ulit ako nang kumulog ng subrang lakas at kasunod noon ay ang pag brown out. Napatakip pa ako sa tainga ko dahil sa subrang lakas ng kulog.

Tumayo akong muli ng tuwid, kailangan ko ng umuwi dahil hinihintay na ako ng anak ko. Kaunti lang ang nakikita ko dahil  madilim na dito sa kwarto, madilim nadin ang paligid kaya naman inis akong napatampal noo

Bakit kasi hindi ko manlang napansin yong oras, ayan tuloy inabot ako ng gabi.

Mas lalo akong nairita nang biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan.

“where are you going?” natigilan ako sa paglalakad at napailing bago mag salita

“uuwi na ako”

“but its raining”

“wala kang pake” malapit na ako sa pintuan at nang akmang lalabas na ako ay mabilis siyang humarang sa pintuan na mas lalong ikina-bad trip ko. Hinihintay na ako ni Ave, anong oras na, panigurado ay hinahanap na ako noon. Sabi ko kay mama madali lang, pero mukhang aabutin ako dito ng siyam-siyam eh.

“stay”

“uuwi na ako, at siyaka ayaw kong makasama ka dahil baka mamaya ay-”

“yumanig yo'ng kwarto?” pinaningkitan ko siya ng mata, kalukuhan.

“tabi”

“umuulan pa, gusto mo bang magka sakit?”

“wala kang pake” nag ring ang phone ko. Kinuha ko ito sa bag ko, sasagutin ko na sana ito ngunit nagulat ako nang bigla itong kinuha ni Viler saakin.

“hoy akin na ya'n” mabilis na sabi ko dahil sa pangamba na baka si Ave yong tumawag, marunong na kasi siyang gumamit ng cellphone kahit na 5 years old palang siya.

“Viler!” siya ang sumagot ng tawag at nakita ko na pinindot niya pa yong loud speaker. “akin na sabi”

“hello?” wika nito at mapang asar akong tiningnan. Isang maliit na boses ang sumagot at alam ko na boses ito ni Ave. “hi, who's this po? bakit hawak mo po yong phone ni mommy? is she with you? where is she?” sunod sunod na tanong nito

Napa-pikit ako ng mariin, tiningnan ako ni Viler at mababakas sa mukha niya ang iba't ibang reaksyon “mommy? are you there po?” agad kong kinuha sakanya yong cellphone ko para makausap ko si Ave.

Hindi maganda 'to.

“hello? Ave, baby.” narinig ko ang munting pagtawa niya, pilit akong ngumiti kahit na sa loob-loob ko ay nene-nerbiyos na ako dahil alam na ni Viler na may anak ako.

“mommy, bakit wala ka pa po? gabi na at madilim sa daan. Umuulan pa, are you okay po ba mommy?” napaka swerte ko talaga dahil mayroon akong anak na nag aalala saakin ng subra.

“okay lang si mommy, how about you? kumain naba ang baby ko?”

“not yet”

“bakit?”

“ 'cause i'm still waiting for you”

“sige uuwi na ako, hung up ko na ha. Babye”

“okay mama, babye po. I love you”

Stars on the skyWhere stories live. Discover now