Chapter 23: Someone will go, and someone will come

27 3 0
                                    


Viler's POV

Kinapa-kapa ko ang katabi ko, napa kunot noo naman ako ng wala akong makapa. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at unang hinanap si Cathlyn.

That night was the best, sa kanya ko lang ginawa yong mga bagay na ginawa ko kagabi. Now, she's officially mine.

Tumayo ako sa kama para hanapin siya “Babe?” kung saan saang parte ako ng bahay nag hanap ngunit hindi ko padin siya nakita

Saan siya nag punta?

May narinig akong kalansing ng kaldero mula sa kusina, baka nasa kusina lang siya at nag luluto. Agad akong nag tungo doon, ang akala ko ay makikita ko na siya pero hindi pala, instead of seeing my woman ay ibang babae ang nakita ko

“good morning hijo” i smile at manang who is currently smiling infront of me

“nakita mo po ba ang asawa ko?”

“hindi , baka naman hijo may binili lang. Hintayin mo at babalik din yo'n” tumango nalang ako sa kanya

Naligo na muna ako at habang naliligo ako ay hindi ko mapigilan ang mag isip ng kung ano-ano, what if she leave me? wag naman sana. Matagal kaming nag kalayo at ayaw ko na ulit na mangyayari yo'n.

Natapos na akong maligo, agad din akong nag bihis pagkatapos ay bumalik sa kwarto namin

Naagaw ng atensyon ko ang yong singsing na nakalagay sa lamesa, at nang lumapit ako ay agad na kumunot ang noo ko nang makita ko yong wedding ring namin na nakapatong sa...

Annulment paper.

Makikipag divorce siya? but why? anong nangyayari sa kanya?

Sa tabi ng divorce paper ay may isang bond paper at naka drawing doon yong mukha ko, tears started to fall down from my eyes. I didn't even expected it

May sulat din akong nakita, bagaman nalulungkot at naiiyak ay pinili kong ma-upo para basahin kung ano ang nakasulat doon

Dear Viler, my love, my man and my best friend

          Good morning my love, sana napasaya kita kagabi. You deserve it, salamat sa tulong mo, salamat dahil gumawa ka ng paraan para maibalik saakin yong bahay nila mama at papa at salamat din because of you, okay na kami ni mama

I want you to know that i was one of the luckies woman in the world because i met a man like you, ipinaramdam mo saakin yong pagmamahal na hinahanap ko sa mga magulang ko. You teach me how to forgive, how to be more strong and independent. You made me smile, happy and feel loved.

Alam kong padalos-dalos yong desisyon ko pero, ayaw ko lang na mahirap ka. Alam ko na nagkaroon ka ng opportunity para makarating sa Germany at maging isang doctor doon, and this is it. Don't let go and waste your chance just because of me.

Mahal kita pero ayaw ko naman na maging isa ako sa magiging hadlang sa mga pangarap mo. This is your chance and go for it, salamat sa pagmamahal kahit na panandalian lamang

I wish i can stay and grow old with you but, i can't. Wala kang mapapala saakin dahil wala naman akong narating sa buhay. Hindi ako bagay sa isang katulad mo. Mahal kita Viler, mahal na mahal kita at wala na akong iba pang mamahalin pa, maliban sa'yo.

                   From your astig and cute na asawa: Cathlyn

So, kaya pala naging malambing siya simula no'ng isang araw dahil iiwan niya na ako? bakit kailangan niyang umalis? bakit kailangan niya akong iwan? bakit umalis siya ng walang paalam?

Sabi ko noon, once i found her. I will never let her go again, pero ano 'to? sabi niya saakin noon 'wag ko siyang iiwan pero bakit siya naman yong nag iwan?

Stars on the skyWhere stories live. Discover now