Chapter 18: Teasing

21 3 0
                                    


Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, kinapa ko ang cellphone ko at kinuha ito. Tiningnan ko kung anong oras na at 4:38 na ng madaling araw.

Ang aga ko namang magising.

Sinulyapan ko si Viler na mahimbing pading natutulog pagkatapos ay dahan-dahang tinanggal ang kamay niya sa may beywang ko. Ginawa pa akong teddy bear na pwedeng yakapin ano mang oras niya gustuhin

Nakatulog naman ako ng maayos kagabi, ang sarap nga ng tulog ko eh. Bagay may nakayakap ba naman.

Nagpasiya akong lumabas at pumunta sa tabing dagat. Tahimik lang akong nakatayo dito sa sa tabi ng dagat at hindi ko naman maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang pag sikat ng araw. Niyakap ko ang sarili ko dahil malamig padin ang simoy ng hangin.

Tulog pa si Viler, gusto kong makalanghap ng hangin kaya naman nagpasiya akong lumabas, medyo madilim pa sa paligid pero unti-unti na manang lumalabas yong araw

Nakakatuwa lang isipin na nandito na ako, what i mean is, ang dami ng nangyari sa buhay ko. Naalala ko lahat ng mga pangyayari at mga karanasan ko simula nong bata pa ako

My sister died at the car accident when i was 7 years old, yong number one enemy and friend ko ay kinuha agad saakin

Next is, my mother left me when i was  10 years old. Masakit yoon para saakin at syempre sa part din ni papa, ang hirap pangang tanggapin eh

Then after that, seven years later my father died because of the heart attack. Bata palang ako pero madami na akong naranasan, hindi ko na enjoy yong teenage life ko. Knowing the reality that life isn't easy and so hard. Lalo pa't wala akong mga magulang na gumagabay saakin.

Mabuti pa yong iba, even how hard headed they was, nandiyan padin yong mga magulang nila para gabayan sila. Hindi ko sila katulad na maagang nawalan ng mga magulang, kaya sa murang edad palang ay nakikita ko na at alam ko na kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang buhay.

Naalala ko yong sinabi saakin ni Viler. While growing older you realize that life is getting harder. And i agree with that, tama siya. Hindi madali ang buhay, hindi biro at mas lalong hindi laro-laro lang

Akala ko, kakain kalang, matutulog, mag ta-trabaho, tapos okay na. Hindi pala gano'n yoon, habang tumatanda ay nag ma-mature ako. Nagiging aware ako sa mga bagay na posibling mangyayari sa buhay ng isang tao.

At sana, kung marami mang problemang papadating. Sana ay malampasan ko ang mga ito. Sana hindi ko isipin na bumitaw at sumuko nalang dahil sabi nga nila ang buhay ay isang karera. Malayo pa ang finish line pero malayo na ang narating ko.

Hindi ko man alam kung anong mangyayari saakin sa araw ng bukas, kung buhay pa ba ako o, hindi na. Sa bagay na ya'n isa lang ang pweding pagkatiwalaan ko. And that is God, i will let him to hold the pen and write the story of my life.

Maraming pero at maraming what if , pero bahala na.

“good morning” pabulong na sabi ng isang lalaki, yumakap ito saakin mula sa likod at hinalikan niya ang pisnge ko pagkatapos ay isiniksik pa ang ulo nito sa leeg ko. Unti-unti, nag iiba ang trato saakin ni Viler. Ganito ba talaga siya? hindi ako sanay na nagiging malambing siya. Mas sanay ako na kabardagulan ko siya.

“good morning too”

“how's your sleep?”

“its okay, maayos at komportable naman ako”

“good to heard that” mas lalo niya akong niyakap na inginiti ko lang

“ahmm, naninibago ako” pag-amin ko dito, para kasing masyadong mabilis. I love him and i know that he loves me too. He's showing his feelings for me at hindi naman ako manhid para hindi makita yo'n, pero ang bilis talaga .

Stars on the skyWhere stories live. Discover now