Chapter 27: Is she my daughter?

36 4 0
                                    


“mommy, bakit hindi ka po umuwi kagabi?” natigilan ako sa pag subo ng pagkain sa anak ko at sinulyapan si Kristel na nakatayo at nagpipigil ng tawa habang kumakain ng mansanas. Sinamaan ko siya ng tingin bago ibalik ang tingin sa anak ko para masagot ang katanungan nito.

“a-ahmm may, may importante lang na inasikaso si mama” palusot ko na kahit ang totoo naman ay kasama ko ang papa niya sa buong mag damag.

“importante daw” rinig kong bulong ni Kristel, napailing ako at hindi nalang siya pinansin.

“akala ko po iiwan mo na ako eh” ngumuso siya sa harap ko na mas lalong nagpa cute sa kanya

“bakit naman kita iiwan? love ka ni mommy diba?” kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko na iwanan ang anak ko. She is one of the most precious gift from God.

I smile before i hug her, every moment and every beat of my heart with her is a blessing. “mag bihis kana, maya-maya lang ay darating na ang ninong mo” tumango naman siya. Balak ko kasing mamasiyal kasama si Ave, at dahil wala namang gagawin si Greg ay isinama ko nalang din siya.

Nag bihis nadin ako at saktong pagkatapos namin ni Ave na mag ayos ay may bumusina sa tapat ng bahay. Sigurado ako na si Greg na yoon, naka-uwi nadin si Kristel kanina pa, sabi ko nga sumama siya saamin kaso sabi niya next time nalang daw.

“ang tagal niyo, mabuti nalang talaga at mahaba ang pasensiya ko, understanding pa” nirolyohan ko ng mata si Greg nang makasakay na kami ni Ave sa sasakyan.

Ang aga-aga kalukuhan na naman niya ang naririnig ko. Parehas kaming naka upo sa front seat habang si Ave naman ay naka-kalong saakin.

Sinusuklay suklay ko pa ang buhok niya gamit ang mga daliri ko na ikinangiti niya “saan po tayo pupunta?”

“kung saan mo gusto” sagot ni Greg na nag paliwanag sa mata ng anak ko.

“really ninong? i have a rights to decide where do we go?” hindi makapaniwalang sabi nito.

“yeap, pero wag mo'kong ene-english, nasa pilipinas tayo baka nakakalimutan mo” natawa ako sa sinabi ni Greg. Close sila ni Ave at maganda din yong samahan nila.

“yeheyy!”

“so, where do you wan't to go first?” tanong ko.

“ahmm” nag isip siya at tumingala “to the mall” she said. Pumunta na nga kami sa mall at inilibot namin si Ave.

Binilhan siya ng mga toys ni Greg, nakita ko na subrang saya niya dahil nakapag bonding na naman kami ngayon. Masakit padin yong katawan ko dahil sa nangyari kagabi pero binalewala ko nalang dahil gusto kong makabawi sa anak ko. Bihira nalang kasi kaming mag bonding dahil lagi akong may trabaho pero kahit gano'n, ginagawa ko padin naman ang lahat para magampanan ang pagiging ina ko sa kanya .

“ninong thank you so much po, i have a new toys na ulit. Ang bait talaga ng ninong ko, pogi pa” pinag untog nila Greg at Ave yong kamao nila, katulad namin ni Greg para lang din silang mag tropa ni Ave.

Mabait naman talaga si Greg at sana, sagutin siya noong babaeng nililigawan niya, ang swerte kaya ng mapapangasawa niya, subrang sipag at ma-respeto si Greg.

“nagugutom na ako, let's eat?” alok nito

“oo nga eh, may restaurant doon sa may unahan. Doon nalang tayo kumain” wika ko

Binuhat ni Greg si Ave at nagpa buhat naman ito, ngumiti lang ako kahit na deep inside ay nakakaramdam ako ng inis. Gusto ko kasing buhatin si Ave kaso inunahan naman ako ng engineer na 'to.

Habang buhat-buhat ni Greg si Ave ay napalingon ako at nakita ko si Viler kasama sila Brixton at Johnsept na naglalakad malapit lang din saamin. Tumigil siya sa paglalakad na ikinatigil din ng mga kasama niya at nang mag tama ang paningin namin ay natigilan ako, tinitigan ko din siya katulad ng ginagawa niya.

Stars on the skyWhere stories live. Discover now