Chapter 7: Shopping

16 1 0
                                    


Nang magising ako ay nag-unat ako ng katawan habang humihikab, sinulyapan ko ng tingin si Viler na mahimbing pading natutulog. “mukha kang unggoy tandaan mo ya'n” wika ko bago bumangon

Naligo ako agad, pababa na sana ako ng hagdan nang makita ko si Hailey na pa-akyat. Ngumiti siya saakin at tumigil sa paglalakad “Good morning ate, sabi ni lola bumaba na daw kayo”

“tulog pa si Viler”

“ahmm paki-gising nalang”

“pero- hoy teka, nakakahiya”

“kaya mo ya'n” sinimangutan ko si Hailey na inginisi lang nito, dapat siya nalang ang gumising kay Viler kuya niya naman yo'n eh.

Nakakahiya yong gisingin, ang himbing kaya ng tulog niya

Napakamot ulo ako bago inis na bumalik sa kwarto namin, tinititigan ko muna siya pagkatapos ay pinaningkitan ng mata

Nakakahiya talaga!

Kumulo ang sikmura ko kaya naman wala akong choice kun'di gisingin na agad siya, lumapit ako sa kanya at dahan-dahang inilapat ang kamay ko sa braso niya “psttt, gising na” tinapik-tapik ko pa siya pero hindi padin siya nagising

“Viler gising na!” hinawakan ko ang mukha nito at ginalaw-galaw, pambihira tulog mantika pala 'to eh

“Viler! gising na sabi!”

“you're too noisy, shut up” niyakap niya ang unan niya at pagkatapos ay dumapa na mas-lalong ikinainis ko

Pambihira naman oh!

Pinahihirapan ako

“gising na kasi”

“but i'm still sleepy” namamaos niyang sabi, shesh ang hot nong boses niya

“sabi kasi ni lola mo bumangon kana para makapag- almusal kana”

“wala naman akong pasok ngayon” pambihira ang kulit, sabing bumangon na eh. Alam ng lola niya na wala siyang trabaho pero  bakit inutusan padin ako na gisingin siya? it means gusto niyang makasabay mag-almusal si Viler

Tinapik-tapik ko ulit siya pero ayaw niya talaga magising, ginawa ko na ang lahat pero 'di parin sapat “inaantok pa nga ako eh”

“BUMANGO KANA NGA KASI!” sigaw ko dito kaya naman kinuha niya ang unan at itinakip sa tainga niya “hindi ka ba talaga babangon?”

“Inaantok pa nga kasi ako”

“ang hirap umintindi, dala-dalawa na nga ang ulo mo”

“shut up Ray” inayos niya ang unan at nag talukbong ng kumot, nang-gigigil na talaga ako!

Nag isip ako ng gagawin ko, pinahihirapan niya talaga ako kaya sorry sa gagawin ko. Pumwesto ako sa uluhan niya at hinawakan yong sapin ng higaan, beed sheet sa english

Pinigilan ko ang matawa, inipon ko ang lakas ko at pagkatapos ay mabilis itong hinigit na naging dahilan para malaglag si Viler sa semento

Malakas kasi ako!

“ouch, what the fvck Ray” sabi nito habang nakahawak sa likod niya, i'm sure masakit 'yun, ang hirap niya kasing gisingin ay. Hindi pa ako nakuntento, tumayo ako at nang nasa pinto na ako ay ihinagis ko sa kanya yong hawak kong sapin na naging dahilan para matakluban yong mukha niya

“Rayvana!” mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto nang sabihin niya yo'n, puno ng pag-kainis at pang-gigigil ang kanyang boses

Ginusto niya ya'n, ginising ko na nga siya sa maayos na paraan, naging nice and kind na nga ako eh, nabawasan tuloy yong ka-astigan ko

Stars on the skyWhere stories live. Discover now