Chapter 19: Unchanging Love

19 1 0
                                    


Matapos kong mag bihis ay kaagad nadin akong lumabas. Malapit ng mag 3:30. Hinanap ko si Viler at sa paghahanap ko sa kanya ay hindi sinasadyang may nabanggaan ako.

“ay, sorry po. Hindi ko po sinasadya” tinulungan ko siyang simutin yong mga gamit na nalaglag niya

Nang tingnan ko ang babaeng nabanggaan ko ay nag iba ang expression nito ng makita ang mukha ko, she's look familiar. Nalimutan ko nga lang kung saan ko siya nakita

“ate?” kunot noo ko siyang tiningnan, ate? kilala ko ba siya

“pardon?” maganda siyang bata at may maamong mukha.

“you are Cathlyn Rayvana Fuentes, right?” naka ngiting sabi nito

“yes, why?” tanong ko sa kanya, paano niya nalaman yong pangalan ko. Kilala ko ba siya?

“mommy will gonna be happy if she see you. Wait me here and i will call her” mabilis siyang naglakad palayo. Sa tingin ko ay 10 or 11 years old na ito, sigurado din ako na nakita ko na siya pero nalimutan ko kung saan.

Ilang minuto ang lumipas at oo hinintay ko nga siya hanggang sa dumating si Viler “nandito ka lang pala, do you wan't some halo-halo?” malambing na sabi nito, tsk. Akala niya ba nakalimutan ko yong ginawa niya kanina?

“sorry, wala akong pera”

“sino bang nag sabing ikaw ang mag babayad?”

“ililibre mo'ko?”

“definitely yes. So, tara na?”

“saglit lang” natanaw ko na yong batang babae na nabangga ko kanina. Hinintay ko talaga siya, may gusto siyang ipakilala saakin and she also said that her mom will gonna be happy if she sees me. Pero ang tanong, sino ang mama na tinutukoy niya?

“sino bang hinihintay mo?” sasagutin ko na sana ang tanong ni Viler pero agad din akong natigilan nang makita ko kung sino ang tinutukoy ng batang babae kanina. Ngumiti ito saakin pero nag iwas lang ako ng tingin

“Ahmm, saan tayo bibili ng halo-halo? i can't wait to taste it. Nagugutom na din ako” malambing na sabi ko dito

“akala ko ba may hinihintay ka?”

“wala, hayaan mo na. Hindi na yata dadating” binalingan niya ng tingin yong batang babae na papalapit saamin pero nasa kalayuan pa.

“are you sure?”

“yes i am” hinawakan ko ang kamay niya at hinigit na siya paalis sa pwestong yoon. Nag patianod naman siya at hindi na nag reklamo pa

Habang naglalakad kami palayo ay pasimple kong binalingan ng tingin yong batang babae at ang mama nito.

Kung gano'n ay kapatid ko pala yong nabanggaan ko kanina, yes i saw my mother, at ang mama ko ay mama din niya. She is beautiful than before, hindi padin kumukupas ang ganda ni mama.

Oo, tumatakbo ako palayo sa kanya. Dinala ako dito ni Viler para magka piece of mind tapos nandito din pala sila. Hindi ko alam kung bakit kapag nakikita ko si mama ay naa-alala ko yong ginawa niya kay papa, yong ginawa niyang pag iwan saamin. At oo, nasasaktan padin ako. Hanggang ngayon.

Ayaw ko muna siyang makausap, gusto ko munang matahimik. Ka-iiyak ko lang nong nakaraan dahil kila tita Sam, yaw ko munang ibuhos ulit yong luha ko ng dahil lang sa kanya.

Nakakapagod din namang masaktan eh, at nakakapagod ding umiyak.

“do you like the flavor?”

“yeah” parehas kaming kumakain ni Viler habang naglalakad-lakad sa tabing dagat.

Stars on the skyWhere stories live. Discover now