Chapter 16: I finally found you

32 3 1
                                    


“w-who gave it to you?” nakita ko na nag iba ang expression niya, hindi ko maipaliwanag. halo-halong emosyon .

“Ahmm galing siya sa first crush ko” he chuckled and gaze on me.

“when did you met him?” bakit tanong siya ng tanong?

“when i was 10 years old, why are you asking? intetesado ka yata ah”

“can you please tell me about him” Hala siya, interesado nga. Ano siya gold? sino siya para sabihin ko ang tungkol kay little stranger?. But because he comforted me, okay sasabihin ko na.

“i met him on the river, nadapa pa nga ako no'n katatakbo eh, malikot kasi ako nong bata pa ako. Mabuti na nga lang at dumating siya, ginamot niya yong sugat ko. Then to make the story short naging mag kaibigan kami. He invited me on his 11th birthday, and then he gave me this” ibinaling ko ang tingin ko sa hawak kong kwentas

“sinabi ba niya kung anong ibig sabihin ng bituin na nakapalawit sa kwentas na ya'n?” ngumiti ako at tumango

Oo naman, syempre hindi ko yo'n makakalimutin

“yes, pero ang tanging sinabi niya lang ay” I smiled “stars symbolize dreams, keep dreaming while still breathing. No matter how many problems and challenges come, mangarap ka lang. Ituloy mo ang mga pangarap mo, hanggang sa maabot mo”

“b-bakit ka ngumingiti?” takang tanong ko. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nanatili lang siyang nakangiti pagkatapos ay tumingala

Anong nasabi ko?

Bakit siya ngumingiti na parang ewan?

“i can't believe that i finally found the woman i was looking for. Right here and right now” what is he mean?

“i finally found you”

“a-ako?” naguguluhang sabi ko

“come with me” tumayo siya at hinawakan ang kamay ko papunta sa kung saan. Hindi na ako nag salita pa bagkos ay hinintay ko nalang na dalhin ako ni Viler sa kung saan niya nais. Nagtataka din ako at hindi ko maintindihan ang nagiging kilos niya ngayon.

Ang weird, hindi ko maipaliwanag.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa kwarto niya. May kinuha siyang isang maliit na box. Nakatayo lang ako at sinusuri ang nagiging galaw niya.

Binuksan niya ito pagkatapos ay dahan-dahang lumapit saakin, at nang makita ko kung ano ang nasa laman nito ay halo-halong emosyon ang naramdaman ko

Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ng marealize ko kung sino yong taong kaharap ko, kung sino yong lalaking matagal ko na ding hinahanap

It was him, i can't believe that it was really him. Ang tagal ko siyang hinanap, hindi ko akalain na yong  lalaking matagal ko ng hinahanap ay natagpuan ko na. Natagpuan ko na at nasa tabi ko lang pala

“do you still remember this?” tumango ako, kinuha ko yong munting regalo na ibinigay ko sa kanya nong 11th birthday niya, nakalagay din ito sa isang frame.

Yong pinaghirapan kong i-drawing, iningatan niya din pala sa loob ng maraming taon.

Akala ko nakalimutan niya na ako, ako lang din pala yong babaeng hinahanap niya.

Hindi padin talaga ako makapaniwala “ikaw, ikaw si little stranger”

“and you are the girl that i was looking for, nice to see you again” pinagmasdan kong muli yong drawing ko. Kuhang-kuha ko dito yong mukha niya eh, yong ka pogian niya noong bata pa siya pero mas pogi na siya ngayon.

Stars on the skyWhere stories live. Discover now