Chapter 11: Wild side

32 2 0
                                    

STARS ON THE SKY

CHAPTER 11: WILD SIDE

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, babangon na sana ako ngunit napadaing ako dahil sa subrang sakit ng ulo

“ah, aray” Hinawakan ko ang ulo ko, para bang pinopokpok ito ng bato sa subrang sakit.

Tiningnan ko ang katawan ko, iba na ang suot kong damit, pero paano nangyari yo'n? hindi naman ako nag palit ng damit kagabi ah

Ang natatandaan ko lang ay...

Hala, bakit wala akong matandaan? pati nga kung paano ako nakarating sa lugar na ito ay hindi ko alam, anong nangyari?

Kahit na masakit ang ulo ko ay pinilit kong bumangon, inililibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng silid at kung hindi ako nag kakamali ay nasa condo ako ni Viler.

Nakaamoy ako ng mabango kaya biglang tumunog ang sikmura ko, nag wawala na yata yong mga bulate ko eh. Nag pasiya ako na lumabas sa kwarto, paglabas ko naman ay nakita ko si Viler na abala sa pag hahain ng pagkain

Nananaginip lang yata ako, marunong siyang mag luto?

Pinasadahan ko siya ng tingin, shacks bakit nag mukha siyang hot?

Naka sando lang siya at may suot na apron. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya dahil sa gusto kong tingnan yong niluto niya, parang ang sarap.

“your finally awake”

“ha?”

“tsk, preparing our breakfast is your job woman” hala siya, bakit parang ang init ng ulo niya? anong ginawa ko? nereregla ba si Viler?

“anong nangyari kagabi?” nirolyohan niya ako ng mata na ikina-kunot noo ko

Tingin palang niya parang may nagawa akong hindi maganda “you don't remember anything?” kumuha siya ng tasa at nag timpla ng kape

“t*nga, itatanong ko ba kung hindi ko alam, common sense nalang” bulong ko, paano ba naman kasi tinatanong niya ako kung wala akong natandaan sa nangyari kagabi, jusqko po! itatanong ko ba kung alam ko? common sense, na common sense hys.

Doctor pa ya'n pero slow.

“i heard you Ray” walang gana nitong sabi, ano bang problema niya? ang aga-aga tapos ganyan siya, tsk 'kala ko ba friends na kami

“ano bang... nangyari kagabi?” hinubad niya yong suot niyang apron kaya naman napaiwas ako ng tingin, yo'n kasing katawan niya nakikita ko, naka sando lang kasi siya, ba't nagiging hot siya sa paningin ko? pinakulam naba niya ako?

“do you want me to help you to remember it?” parang hangin nitong sabi, humakbang siya palapit saakin kaya naman napa hakbang ako pa-atras

“may nagawa ba akong hindi maganda kagabi?” tanong ko dito, para akong matutuod sa titig niya. Si Viler pa ba 'tong kaharap ko?

“kapag sinabi kong oo, maniniwala kaba?” nanlaki ang mata ko sa narinig ko pero nanatili padin akong kalmado

Hala siya! anong ginawa ko? kahit anong gawin ko wala talaga akong matandaan eh

“you're drunk last night and you tried to...” to?

Bakit binibitin niya ako?

“to what?” courious na tanong ko

Inilapit niya ang mukha niya sa akin na ikinalayo ko ng kaunti, “you tried to ràpe me” para akong masisiraan ng bait sa narinig ko

Hindi! hindi ako naniniwala, wala akong lahing manyakis

“sabihin mo nag bibiro ka lang, hindi ko magagawa yo'n”

“but you do, muntik mo na nga akong ma virginan” wika nito at diniin pa yong salitang ‘ma virginan’

Stars on the skyWhere stories live. Discover now