Chapter 29: Ich liebe dich

15 2 0
                                    


Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad kong nilingon ang mga katabi ko ngunit wala na akong nakitang Viler, o Ave sa tabi ko. Dahil doon ay agad akong bumangon para tingnan kung nasaan sila

What if kinuha niya si Ave?

What if inilayo niya yong baby ko saakin?

What if ako naman yong taguan niya ng anak?

What if...

Natigilan ako sa pag-iisip ko ng kung ano-ano ng marinig ko ang boses nila mula sa baba at sa tingin ko ay nanggagaling ito ng kusina. Agad akong nag tungo sa kusina at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko si Viler at Ave na nakaupo sa upuan habang nagpapalaman ng tinapay.

Bago ako tuluyang lumapit sa kanila ay pinagmasdan ko muna sila mula sa pintuan, ang ganda at sarap palang pagmasdan kapag mag kasama silang mag ama. Nakangiti at masaya.

Naglakad ako papalapit sa kanila na siyang ikinatingin nila saakin “Good morning” wika ko

“Good morning, mommy” sabay na sabi nilang dalawa. Nagkatinginan pa sila pagkatapos ay tumawa sa huli habang ako naman ay nakakunot ang noo dahil sa ikinikilos nila.

“How is your sleep mommy? alam mo po, ang ganda ng tulog ko kagabi kasi, katabi ko kayo ni daddy” ngumiti ako bago lumapit sakanya

“Kumain na kayo?”

“Hindi pa po, nilalagyan pa kasi namin ni Daddy ng peanut batter yong bread” binalingan ko ng tingin yong tinapay at peanut butter, really ha.

“Sige, mag titimpla lang ako ng kape ko”

“Ako na” napatingin ako kay Viler nang mag salita siya, binalingan ko ng tingin si Ave na tumango lang kaya naman hinayaan ko nalang si Viler na ipag timpla ako ng kape.

Pinanood ko siya sa ginagawa niya at nang matapos niya na ay agad niyang ini-abot saakin “S-salamat” wika ko na itinango lang niya.

“Mommy sabi ni daddy may tita and another lolo and lola pa daw po ako. Pwede po ba tayong sumama kay daddy? he will visit them daw po” bagamat nag aalinlangan ay tumango nalang ako.

Masaya naman ako dahil makikita ko ulit sila lola Victoria pati nadin si Hailey, kamusta na kaya sila?. Pero kahit na masaya ako ay hindi ko padin maiwasan ang mangamba, baka kasi kung anong sabihin nila at baka sa susunod na mga araw ay pag-usapan na namin ang tungkol sa custody ni Ave.

Wag naman sana, dahil sa oras na mangyari yoon ay alam ko na talo ako. 

“Okay”

“Yeheyy! i love you mommy, you're the best” yumakap pa ito saakin at tiningnan ako ng punong-puno ng panlalambing.
_______

Wala kaming naging imikan ni Viler simula kanina hanggang sa makarating kami sa mancion ng mga grandparents niya, hindi muna kami pumasok ni Ave bagkos ay tumayo muna kami sa pintuan. Unang pumasok si Viler at pag pasok palang niya ay nakita ko na binato na agad siya ng diyaryo ni lola Victoria pagkatapos ay senermonan.

“Hindi ba't sinabi ko sa'yo na 'wag kang babalik dito hanggat wala kang dalang apo? Viler, ang tanda-tanda na namin, bigyan mo naman kami ng apo” rinig kong sambit nito. Hindi ko naiwasan ang matawa dahil sa narinig ko, si lola pala, nanghihingi na ng apo, 'buti nalang talaga at may Ave na nabuo.

“Oo nga naman hijo, ang tagal-tagal na naming nag hihintay ng lola mo. Apo lang naman ang nais namin, bakit hindi mo pa kami pag bigyan” dagdag pa ni señorito Miguel

“Haynaku ano bang aasahan niyo diyaan kay kuya eh hindi naman yaan gagawa ng bata sa ibang babae, nakita niyo nga at noong nasa Germany pa siya ay mayat-maya ang tawag saakin at tinatanong kung nakita ko ba daw si ate Cath” rinig kong gatong ni Hailey

Stars on the skyWhere stories live. Discover now