Chapter 10: Weeding Day

24 2 0
                                    


Hailey POV

"ate naman hindi ganyan" napailing ako ng ilang ulit

"eh paano ba dapat?" tsk, naka hills na nga at lahat-lahat para pading siga sa kanto kung mag lakad, anong kalalabasan nito bukas?

"ganito kasi, tingnan mo ulit ako" nag simula akong lumakad ng dahan-dahan and i imagine that i was slowly walking to the aisle. After i did that i look at ate Cath pero kunot noo siyang nakatingin sa akin na animo'y hindi naguguluhan

Hindi ko alam kung tomboy pa si ate o ano, kung mag lakad kasi siya parang dalagang tarantado eh. Kaya pinapunta ko siya dito sa kwarto ko para maturuan ko siya ng tamang paraan ng pag lakad

"Hailey, mahigit isang oras na tayo dito, ang hirap hindi ko magawa" hinubad niya yong suot niyang white hills "ang sakit pa sa paa nitong mga ito"

"eh anong gusto mong gawin ko?"

"ako nalang pipili ng susuotin ko" nginitian ko siya na may bahid ng pagka inis, tsk siya lang yong bride na ganito

Nag lakad siya papunta sa kung saan naka hanay yong mga sandals at sapatos ko, iba't ibang klaseng at syempre magaganda katulad ko, ako may ari eh

"how about this? i'm sure i'll be comfortable if i wear this on my weeding" napatampal noo ako at inis na tinitingnan siya

For petty sake!

"ate naman!"

"what? wala naman sigurong masama diba?" kaunti nalang talaga ma i-uuntog ko na ang ulo nito, pag ginawa ko yo'n baka sakaling matauhan

"seriously?" I took the pair of rubber shoes that she chose "mag sasapatos ka sa mismong kasal mo?" hindi makapaniwalang sabi ko

"ahmm...oo-aray!" inis ko siyang binatukan ng mahina, paano ba naman kasi, bride siya tapos mag susuot siya ng rubber shoes "dati kabang sira-ulo ate?"

"eh yaan nga ang gusto ko"

"kuya Viler is gonna freak out if he sees you wearing that shoes, tomorrow is your weeding day and you still don't know how to walk to aisle properly"

Hindi ko na alam ang gagawin ko kay ate Ray, kaunti nalang talaga masisiraam na ako dito ng ulo. Bakit kasi ako pa yong nag prisintang turuan siya? hysss kung para-paano tuloy kami ngayon

"okay lang ya'n, ako na bahala kay Viler" ngumiti siya saakin, okay bahala siya gusto ko lang naman na mag mukha siyang tao este babae bukas, mas mukha pa nga siyang lalaki kay kuya kung umasta eh

"did i heard my name?" parehas kaming napatingin sa may bandang pinto ng may magsalita, and it was kuya

"may sasabihin ako" wika ni ate

"i think i need to leave for while, i'll be back ate after you guys finished" wika ko, kailangan talaga nilang mag usap, kanina pa ako napipikon eh kung hindi ko lang love si baka kanina ko pa siya nakalbo eh

CATHLYN POV

"pwede bang mag sapatos nalang ako bukas?" nahihiyang sabi ko, narinig ko pa ang munting tawa niya na ikinatanggal ng kaba ko

"no, that's not accurate"

"pero hindi ako sanay mag suot ng ganyan, baka matumba ako"

"yoon ba ang ikinatatakot mo? ang matumba?" tumango lang ako

"sasaluhin naman kita ah" ayan nanaman siya, bakit nag sasalita siya ng ganyan? bawal nga akong kiligin, bawal.

Pinigilan ko ang sarili ko na ngumiti, syempre bawal ipahalata na kinikilig ako, hindi gawain ng mga astig na katulad ko ang kiligin "pero masakit kasi sa paa" naupo ako sa kama habang nakatingin sa hawak-hawak kong hills

Stars on the skyWhere stories live. Discover now