Chapter 17: Truth or dare?

34 2 0
                                    


Parehas naming pinagmamasdan ni Viler ang kung ano mang madadaanan namin, idagdag mo pa yong napakagandang sunset.

Oo maganda yong sunset pero sabi nila, no matter how beautiful the sun set is, it always tell a painful goodbye.

This day is one of my happiest day on my life. Ang saya ko ngayong araw, nalimutan ko yong problema ko kahit saglit lang.

Mabuti naman at naranasan kong sumaya ulit, ngumiti at tumawa ulit. Puro nalang kasi sama ng loob yong natatanggap ko.

Sa subrang dami, over loaded na ako. Kaunti na nga lang baka sumumuko na ako pero kahit gano'n, mapalad padin ako kasi may mga taong dumating sa buhay ko na pwedeng maging sandalan ko, na pwedeng malapitan ko

Surrending is not an option padin talaga

“that's a good ride” wika ni Viler nang itigil ko ang sasakyan. Mabuti nalang at maayos kaming nakarating, ang galing ko kasing mag drive

Bumaba na kami at pumasok na sa loob, mga ilang segundo nalang kasi babalutin na ng dilim ang paligid. Mabuti na nga lang at bago mangyari yoon ay nakabalik na kami kaagad

“yong mga kaibigan mo, dito din ba sila mag s-stay?” tanong ko.

“yeah, madami namang kwarto dito. May matutuluyan din yong mga girlfriend nila”

“may girlfriend sila?”

“oum” akala ko ba single yong mga yo'n, kung umakto kasi kanina para silang sawi sa pag-ibig

Puro nalang daw kasi sila trabaho, hindi na daw nila maranasang lumandi. Meaning, wala ng thrill yong buhay nila. Ang oa din pala nila, katulad ko.

Nang makarating kami sa loob ay nakita namin yong mga kaibigan niya, oo nga at may kasama din itong mga babae. Kanina pa siguro sila dumating, mabuti nalang at may ibang babae dito bukod saakin, puro kasi sila mga lalaki eh, Sana naman hindi sila masusungit, subukan lang talaga nilang mag sungit saakin matitikman nila yong kamao ko

Masaya silang nag haharutan at nag uusap. Ang iba ay naka upo sa sahig at ang iba ay sa sofa at meron din naman sa gilid nito.

“Viler, nandito na pala kayo. Ang tagal niyo” wika nong Johnsept. Ngumiti ako sa kanila para Naman hindi ako mag mukhang maldita.

“akala namin kung ano ng ginawa niyo, maraming kwarto dito oh” dagdag pa nong Brixton na ikinatawa ng ilan sa kanila

Magkasabay kaming kumain ni Viler, kumain nadin naman daw sila kanina, kami nalang talaga ang hindi pa nakaka-kain. Matapos naming kumain ay pumunta kami sa labas, gumawa kasi ng bone fire yong mga kaibigan niya

Umupo kami sa buhangin, hinubad ko yong tsinelas ko para may maayos akong maupuaan. “ngayon kumpleto na tayo, let's play truth or dare” wika nong babaeng katabi ni Johnsept

“but before that let me introduce ourselves, alam kong hindi pa kami kilala ni Mrs. Hampson” mahinghing sabi pa nong babae

“my name is Akiesha Dasco” dagdag pa nito

“and my name is Jairah Martinez” wika din nong babaeng katabi ni Andrew

“and, my name is Amera. You can call me ame for short, and you are?”

“my name, Cathlyn Rayvana Fuentes” nakangiting sabi ko

“Cathlyn Rayvana Fuentes... Hampson” napatingin ako kay Viler nang mag salita ito. Required bang idagdag yong apelyido niya sa pangalan ko?

Ang haba nanga ng pangalan ko tapos dadagdagan pa niya. Full name ko kasi is Cathlyn Rayvana Perez Fuentes, Perez kasi ang apelyido ni mama.

Tapos gusto pa ni Viler na idagdag  yong apelyido niya, ang hirap kaya noon. Masyadong mahaba, it will become Cathlyn Rayvana Perez Fuentes- Hampson. Oh, diba ang haba?

Stars on the skyWhere stories live. Discover now