Chapter 25: Tyviler and Cathlyn

8 2 0
                                    


Nanatili lang ako sa posisyon ko, hindi ako makapag salita dahil parang may kung anong nakabara sa bibig ko.

Ang mga mata niya ay nakatingin sa mga mata ko, at gano'n din ako. Gusto kong yakapin siya, gusto kong mahawakan siya at malaman kung okay lang ba siya. Pero, sinasabi ng isip ko na lumayo at iwasan nalang siya

I don't know what to do, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, should i say hi? hello? kamusta? o, wag nalang siyang pansinin

“Cath! kanina pa kita hinahanap, nandito kalang pala” parehas kaming napatingin sa babaeng nag salita, it was Emely and it seems kanina pa niya ako hinahanap

Lumapit ito saakin, mabuti nalang talaga at dumating siya dahil kung hindi, baka umabot kami ng gabi ni Viler sa katititig sa isa't isa

“kanina pa kita hinahanap, yong pasyente pala sa room 54, na check mo na ba?” tumango ako kay Emely pagkatapos ay tiningnan si Viler, ngunit nang mag tama muli ang aming mga paningin ay agad din akong nag iwas

Tiningnan ni Emely kung sino yong lalaking sinulyapan ko ng tingin “magandang araw po Doc. Nandito po pala kayo, akala ko bukas ko pa po kayo makikita. Ang pogi niyo padin doc” binigyan siya ni Viler ng matamis na ngiti, tumango lang ito at hindi na umimik

“sige po, mauna na kami.” dagdag pa ni Emely bago ako higitin palayo. Habang nag lalakad palayo ay sinulyapan ko ng tingin si Viler at pag tingin ko ay nakatingin din siya saakin.

“kilala mo si Doc? alam mo, galing siyang Germany at ang dami niya daw nagawa do'n. Hindi ko nga alam kung bakit siya umuwi ng pilipinas gayong ang ganda ng buhay niya sa Germany, mataas pa ang sahod” kwento ni Emely habang naglalakad kami palabas ng hospital. Kakain kami doon sa paborito naming kinakainan, masasarap kasi ang mga pagkain doon.

“siguro crush mo na si Doc 'no?” dahil sa sinabi niya ay nabalik ako sa ulirat, kung kanina tahimik lang ako at tulala habang nag kwe-kwento siya, ngayon, nabuhay na ang kaninang natutulog kong diwa.

Hindi ko nga namalayan na naka-upo na pala kami at nailapag ko na yong pagkain ko sa lemesa, yong utak ko nasa faraway na naman

“h-huh? ako? hindi ah” wika ko bago sumubo ng pagkain

“sus, kunwari kapa”

“kumain na nga lang tayo”
_____

Nang makarating ako sa condominium na tinitirahan ko ay agad kong nakita ang anak ko, nakangiti at naka-upo habang nag da-drawing ng kung ano sa may lamesa.

Hindi na ako pumunta sa bahay ni Kristel dahil sabi niya ihinatid na niya si Ave sa bahay. Nakita ko si Kristel na may kung anong niluluto sa kusina kaya naman dumeretso nalang ako sa anak ko

“hello” mas lalong lumawak ang ngiti niya ng makita niya ako

“mommy”

“anong dina-drawing ng baby ko?” malambing na sabi ko pagkatapos ay tiningnan yong drawing niya

Natigilan ako ng marealize ko kung ano yoon, kahit simpling drawing lang ay malinaw na naisasaad ang ibig sabihin ng drawing niya

“this is you” itinuro niya yong isang babae sa drawing niya “this is me” itinuturo niya naman yong nasa gitna “and this is, my daddy”

Magkahawak kamay ang nasa drawing niya at may hugis puso sa bandang taas ngunit naka drawing sa bandang gitna ng bond paper. May bahay din sa drawing niya and it looks like a happy and complete family

Mapait akong napangiti at pinigilan ang luha ko na nag babadyang tumulo mula saaking nga mata, pinigilan ko ang sarili kong maiyak, nasasaktan ako para sa anak ko. She dream the same dream when i was a teenager.

Stars on the skyWhere stories live. Discover now