Chapter 9: Playtime

28 2 0
                                    


Hindi ko maiwasang mapangiti habang nag kwe-kwento si Hailey about sa kaibigan ni Viler, hindi ko maipaliwanag yong nararamdaman ko, something strange. Masaya na malungkot, na e-excite na naiiyak. Ewan, and weird

“nakita ko na din siya nong birthday ni kuya, dinala niya yong babaeng yo'n sa bahay, mabait at friendly siya”

“talaga?”

“oo ate, may gift nga siya kay kuya eh, biruin mo yun na-drawing niya yong mukha ni kuya, kapag nakita mo yun i'm sure ma a-amazed ka”

“nasaan yo'n pwede ka bang makita?”

“ahmm” tumingin siya sa kawalan at nag-isip ng malalim “nasa condo ni kuya, nakalagay sa isang box. Ini-ingatan niya yo'n ng subra sa loob ng 12 years, 2006 hanggang ngayong 2018” ngumiti ako, gano'n niya siguro kamahal yong babaeng tinutukoy niya

Ginagawa siguro ni Viler ang lahat ng paraan mahanap lang siya, sana nga mahanap na niya agad siya.

Sa paraan palang ng pag kwe-kwento ni Hailey nakikita ko sa mga mata niya kung gaano kabait yong babae, ka-sundo niya din naman yata

Siguro maganda siya

“sige, matutulog na ako” tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako at hinawakan ang kamay ko

“ahmm ate, pwede mo ba akong samahang mag pa enroll bukas?” ngumiti ako at humarap sa kanya

“sure why not, college kana diba?”

“oum”

“sige sasamahan kita”

“ah talaga ate?” tumalon pa siya sa tuwa pagkatapos ay niyakap ako “thank you ate”

For the first time naramdaman ko ang pagiging ate, kahit kay Hailey lang. Hindi ko man siya kadugo pero ganito yong trato niya saakin, sila kuya Chris at Cazzy kaya kamusta na sila?

Okay lang ba sila? syempre kahit hindi maganda yong ginawa nila saakin pamilya ko padin sila, hindi ko magawang mag tanim ng sama ng loob sa kanila. Sinubukan kong gumanti sa kanila pero hindi naman ako napasaya ng ginawa kong pag ganti, na konsensya lang ako noon eh

Bumalik na ako sa kwarto, nakita ko na mahimbing pading natutulog si Viler. Nilapitan ko siya at pinagmamasdan, kahit papaano ang pogi niya din pala.

Kinuha ko yong kumot at kinumutan siya, wala padin kasi siyang suot na damit baka magka-sakit. Hindi na ako humiga pa sa tabi niy bagkos ay naglakad ako papuntang sofa at doon nahiga

Nag isip ako ng malalim, sa isang araw na yong kasal namin pero hindi padin ako handa. Yong lola lang ni Viler yong may gusto ng kasal, gusto kong malaman kung bakit may kakayahan naman si Viler na pigilan at tutulan yong gusto ng lola niya pero hindi niya ginawa.

Sa subrang dami ng ini-isip ko ay nakatulog na ako
___

Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad akong nag unat ng katawan, pero ano 'to?

Bakit nasa kama na ako?

Paano ako na punta dito?

Wala naman akong natatandaan na lumipat ako ah

Teka, si Viler, b-binuhat niya ba ako? siya ba ang nag dala saakin dito?

Mabilis akong bumangon at nag pasiya na ayusin yong hinigaan namin, habang nag titiklop ako ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Viler, naka bihis at mukhang pupunta na ulit sa trabaho niya

Doctor siya eh

Ede sana all doctor, ako kasi tambay lang, pero atleast astig

“good morning” bati nito, pero teka, totoo ba 'to? nag good morning siya?

Stars on the skyWhere stories live. Discover now