Chapter 24: Ave

14 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw, linggo at hanggang sa naging buwan na. I dicided that after i give birth to my child i will continue colleges. Balak ko nga sana na mag aral na kahit na buntis ako pero hindi ako pinayagan nila mama at Kristel. Baka daw mapagod ako at ma stress lang kapag ginawa ko yo'n, makakasama pa naman yoon sa baby ko.

Kaya para mailabas ko siya ng maayos, sinunod ko nalang yong utos ni mama.

I change my number and delete all my social media accounts, gumawa ako ng bago pero iba ang pangalan na inilagay ko.

Kung nasaan man si Viler ngayon, i hope he's okay. Oo, mahirap siyang kalimutan, naninibago nga ako kasi everytime when i wake up in the morning, wala ng Viler sa tabi ko, nasanay ako na lagi siyang nandiyan kaya medyo nahihirapan ako na mag adjust

Hindi ako okay, masakit padin at walang gamot sa sakit na nararamdaman ko. Losing someone you love is so painful, yong akala mo okay na , akala mo masaya na, akala mo wala ng hahadlang ay akala mo lang pala .

Life is full of unexpected situation, hindi mo alam kung ano yong mga dadating.

But still, be thankful kahit na ano pang nangyayari sa'yo, dahil sa dinami-daming pagsubok sa buhay mo ay nananatili kapading nakatayo.

Simula bata, laging nalang akong nasasaktan at kahit pala sa pag laki mo ay masasaktan kapadin. Patuloy lang sa pag-ikot ang mundo at pag takbo ang oras, hindi mo matatakasan ang isang bagay kung hindi mo magagawang malampasan.

Ilang buwan na ang lumipas at finally, malapit nadin akong manganak. Sa loob ng siyam na buwang pag bubuntis ko ay maswerte padin ako dahil hindi ako pinabayaan nila mama, may Kristel at Gerald sa tabi ko. Hindi ako pinabayaan ng mga kaibigan ko

They are always asking me if may balak ba akong sabihin kay Viler ang tungkol sa anak namin, hindi ko alam ang isasagot ko. Parang oo, na parang hindi.

Should i tell him? or not?

Hindi ko alam ang gagawin ko at wala akong lakas ng loob. Iniwan ko siya kaya bakit ako biglang mag paparamdam sa kanya na parang wala lang gayong nasaktan ko siya.

Nahihirapan na siya pero dinagdagan ko pa.

I chose to leave than to stay.

Nasaktan din ako sa ginawa ko pero alam kong mas nasaktan ko siya. Nagawa niya ngang magpaka lunod sa alak eh, isang bagay na hindi niya naman ginagawa. Sabi nila mama, hinanap niya ako at halos hindi siya mapakali hanggat hindi ako nakikita

Kitang-kita daw ni mama ang kulungkutan sa kanyang mga mata nang sandaling iniwan ko siya. Wala naman kasi akong choice, ayaw kong maging hadlang sa kanya kaya mas pinili ko ang lumayo kahit na masasaktan lang ako, at masasaktan ko lang din siya.

Pero sana, kahit na wala ako sa tabi niya, sana hindi mag bago yong nararamdaman niya, dahil ganon ako. I can't imagine myself with someone, maliban nalang kay Viler.

Napahawak ako sa pader ng biglang sumakit yong tiyan ko. Nahihirapan at  pinag papawisan na ako. Wala pa man din akong kasama dito sa condo dahil kanina pa umalis si mana

Sa tingin ko ay manganganak na yata ako.

“ahhh, a-aray” pag daing ko. Ramdam ko ang pawis na tumutulo mula sa noo ko. Sana naman ay may dumating, hindi ko alam kung paano ako pupunta sa hospital gayong nahihirapan ako.

Nahihirapan akong maka galaw at naiiyak nadin ako, subrang sakit.

Napasandal ako sa pader at dahan-dahang ipinadaos-dos ang likuran ko para makaupo ako sa sahig

“Lord, please. I need your help, sana mailabas ko siya ng maayos” kahit na nahihirapan na ako ay pinilit kong sabihin yo'n sa kanya, bakit? dahil alam ko na nakikita niya yong sitwasyon ko at tutulungan niya ako.

Stars on the skyWhere stories live. Discover now