Chapter 13: Unexpected kiss

33 4 0
                                    

“good, magkakasundo tayo kung palagi kang ganyan” wika nito bago bumalik sa pagkakahiga

“magkakasundo tayo kung palagi kang ganyan nye nye nye” pang gagaya ko pero sa pambata kong boses.

“shut up kung ayaw mong hubaran kita ora mismo” napapikit ako ng mariin at tinakpan ang bibig ko

Okay sige, tatahimik na. May ganyang side pala si Viler, hys.

Nakakainis, sabi ko hindi ako mag papa-under ni mag papatalo sa kanya pero ano 'to?

Kung hindi lang ako nakapag-pigil baka kanina pa niya natikman yong kamao ko, pasalamat siya at mahaba ang pasensya ko dahil kung hindi baka kanina pa mahimbing ang tulog niya dahil sa kamao ko

Tsk, tsk, tsk. Mabuti nalang at marunong akong maawa dahil kung hindi talaga, hay naku, sinasabi ko sa'yo Viler. Dila mo lang walang pasa saakin
___

6:30 na nang magising ako. Wala na si Viler sa tabi, maaga siyang nagigising as always naman

Tiniklop ko ang hinigaan namin bago ako mag tungong banyo para makapag hilamos na. Today is another day, makikita ko nanaman yong pag-mumukha niya

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng banyo ay kakatok na sana ako pero bago ko paman magawa yoon ay bumukas na ang pinto

Iniluwa noon si Viler na bagong ligo, fresh na fresh at naka topless lang. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko yong biceps niya at syempre yong abs din niya

Pero bakit ibinabalandra niya pa yong katawan niya? hindi ba siya nahihiya? sa bagay, bakit nga naman siya mahihiya eh ang kapal naman ng mukha niya

Napatingin ako sa dibdib niya na may mga butil ng tubig na tumutulo galing sa buhok niya. It makes him more hot

“maganda bang mag travel sa katawan mo? ang ganda kasi ng view” wala sa sariling sabi ko, narinig ko ang pag tawa niya. Itinukod niya pa ang isa niyang kamay sa pader bago nakipag titigan saakin, pero may halong proud yong mukha niya

Proud siguro siya kasi tinatablahan ako nong mga muscles niya, hyss bakit ako na-atract sa abs na ya'n? pero i wonder kung kailan ko mahahawakan

“na a-atract ka saakin, tama ba?” nabalik ako sa ulirat nang itanong niya yo'n. Napailing ako bago mag salita “tsk, feelingero. Tabi, dadaan ang astig” wika ko, tumabi naman siya kaya malaya akong nakapasok sa banyo

Nang saraduhan ko ang pinto ay napasandal ako dito at inilagay ang dalawa kong kamay sa tiyan ko habang magka-patong at naka-cross

“napaka yabang niya talaga. Akala niya siya lang yong merong gano'n, tsk”

Pag ako talaga nagka abs din, kakabugin ko siya,  hintayin niya lang.

Nang pumunta kami ni Viler sa bahay ng lola niya, este mancion pala ay agad kaming sinalubong ng grandparents niya. Nag-mano muna ako bago kaagad na nagtungo sa kwarto niya

Kahit na ba-badtrip siya saakin kanina ay pinag- bigyan niya yong request ko na pumunta kami sa bahay ng grandparents niya, gusto ko na kasing makita yong kwentas. Hindi ako mapakali hanggat hindi ko 'yun nahahawakan.

Nagsimula na akong maghanap,  hinanap ko talaga sa mga drawer na posibling pag-lagyan ko. Buklat dito, buklat dooon. Napakamot ulo naman ako ng hindi ko makita

“nasaan na yo'n?” pabulong na sabi ko. Walang gana akong napa-upo sa kama hanggang sa kunin ko yong unan at yakapin ito dahil sa subrang lungkot na nararamdaman ko.

Paano ba naman kasi, that was one of the important gift that little stranger gave to me a very long time ago.

Iningatan ko sa loob ng labing dalawang taon, bigay daw yoon sa kanya ng lola niya tapos iwinala ko lang

Stars on the skyWhere stories live. Discover now