Chapter 12: Heart beat

26 2 0
                                    


Someone POV

"ma'am, nahanap na po namin ang anak mo"

Bumibilis ang tibok ng puso ko habang dahan-dahang binubuksan ang envelope na inabot saakin ng private investigator na ini-hire ko

Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko nang makita ko ang larawan ng anak ko. Masaya dahil alam ko na ang mukha niya, napakaganda niya. Malungkot naman dahil hindi ko alam kung paano ako babawi sa kanya

Sa loob ng labing dalawang taon na kailangan niya ako ay wala manlang ako sa tabi niya, no'ng namatay ang ama niya wala ako para damayan siya at samahang mag luksa

I realize my mistakes at pinag sisihan ko na ang lahat, kung maibabalik lang sana ang kahapon. Pero ano pa nga bang magagawa ko? huli na ang lahat at wala akong magagawa para bumalik sa nakaraan

Hindi ko na magagawa pang itama ang mga pag-kakamali ko lalo na ang pag-kukulang ko sa anak ko. Pero kailangan kong bumawi

"mommy, who's that?" malambing na tanong ng bunso kong anak na si Angelica habang nakayakap mula sa likod ko

"she's your sister, her name is Cathlyn Rayvana Fuentes"

Cathlyn POV

"Viler naman, ang sakit na ng tuhod ko" sinimangutan ko siya, hindi ko naman sinasadyang mabasag yong vase eh

Halos kalahating oras na akong naka squat, subrang sakit na nong tuhod ko. Grabe siya, ganito ba niya i-trato yong maganda niyang asawa?

"sa tingin mo ba may pake ako?" sakrastikong sabi nito. Ang heartless!

Ibanalik niya ang atensyon niya sa pagbabasa ng libro habang ako naman ay naka-squat padin

Kung hindi lang ako nakikitira sa kanya malamang sa malamang kanina ko pa siya na suntok. Matagal nadin pating walang nakakatikim ng kamao ko

"Viler masakit na talaga, gagawin ko ang lahat promise wag lang 'to, subrang sakit na" nag susumamong sabi ko dito.

Inilapag niya sa mini table yong binabasa niya bago tumayo at nag lakad palapit saakin

"okay" nakahinga ako ng maluwag. Inutusan niya ako na linisin at dakutin yong mga bubog na galing sa nabasag kong vase. Hindi na ako nag reklamo pa dahil kasalanan ko naman

Tatanga- tang kasi eh

"okay tapos na ako, anong sunod?" proud na sabi ko sa kanya, basic lang naman yong pinagawa niya eh. Piece of cake.

Lumapit ako sa kanya, naka-upo siya sa sofa at may kung anong binabasa . Alam niyo ang weird ni Viler, lagi nalang nag babasa ng libro. Ano bang meron do'n?

Umupo ako sa isang sofa sa may tapat niya "let's set a rules between us, and also your job as my wife" okay kahit hindi niya na sabihin alam ko na ang mga dapat na gagawin ko

Gawaing bahay malamang

"Rule number number one-"

"dapat parehas tayong boss dito sa bahay" pag tuloy ko sa sasabihin niya, tiningnan ko siya na punong-puno ng confident sa sarili. Ayaw ko kayang mag pa under sa kanya.

Syempre mag asawa kami so ibig sabihin no'n hindi lang siya ang may karapatang gumawa ng rules

"Rule number two, bawal mang istorbo once na busy ang isa saatin lalo na kung nasa kalagitnaan ng tulog. Is that clear?" eh? hanggang ngayon ba hindi pa din niya nakakalimutan yong ginawa ko sa kanya?

Ede sorry ngani, 'di siya maka move on ay, apektadong-apektado

"Rule number three bawal mo kong awayin, i mean bawal tayong mag away, sigawan o magsalita ng masasakit na salita sa isa't-isa" wika ko, ako na yong gumawa ng rule number three.

Stars on the skyWhere stories live. Discover now