Fairytale
___________________________________
"...and they lived happily ever after" sinarado ko ang maliit na storybook bago bumaling sa tatlong taong gulang na pamangkin ni Cazey.
Kakatapos lang ng eskwela kaya napagpasyahan kong bumisita sa bahay nila at nagluto din daw kasi ang mama niya at inimbitahan ako.
"Pang-ilang ulit naba 'yan, Mikhaela? Hindi kapa ba nagsasawa?" si Cazey na hawak pa ang sandok.
Tumawa ako at umayos ng upo. Humagikhik naman ang bata at tumakbo papunta kay Cazey.
"Tita, Cas. Ikaw naman read sa akin." pa cute nito na kumapit pa sa binti ni Cazey.
"Tama na muna 'yan. Tawagin mo na si mama mo para mag-eat bilis."
Mabilis naman na tumakbo si Mik-mik.
Bumaling sa akin si Cazey at apologetic na ngumiti.
"Pasensiya kana makulit talaga 'yan" aniya.
Ngumiti ako. "Ayos lang. Favorite story niya raw kaya gusto ipaulit."
"Nako, ganiyan talaga 'yan at bata, Maria Cazey! Masyadong mahilig sa mga periteyl-periteyl na 'yan" lumabas ang mama ni Cazey sa kusina at palakaibigang ngumiti sa akin.
"Nagugutom kana ba, neng? Mabilis nalang itong nilaga at pinapalambot ko lang ng kaunti ang karne."
Mabilis akong umiling. "Ayos lang po."
"Eh, hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" aniya.
Sandali akong nahinto sa pag-ayos ng mga nabasang storybook at pilit na ngumiti kay Tita Beth.
"Ah, hindi pa po, overtime ang mama ko ngayon kaya...."
"Ma, pakitingin uli nong karne nagugutom na'ko e." si Cazey na kaagad nilapag ang mga plato sa mesa.
"Ha? O siya't umupo kana, neng." mabilis na pumunta sa kusina ang mama ni Cazey at kaagad naman akong tumayo. Nakauniporme pa ako at nakalapag ang Math notebook sa sofa.
Umupo ako sa mesa at pansin ko ang titig ni Cazey kaya humarap ako sa kanya pero lumabas na rin ang ate niya mula sa kwarto.
"Oy, nandito ka pala, Adi." bati nito.
"Ah, magandang gabi po, Ma'am." bati ko sa kanya.
Elementary teacher sa pinapasukan naming eskwelahan ang ate ni Cazey at madalas kaming magkita doon.
"Nako, wag na masyadong pormal no at tayo-tayo lang naman dito."
Tumawa si Cazey at pabirong binangga ang balikat ko.
"Caz! Pa kopya ako ng assignment mo sa Math."
Sabay kaming napabaling kay Katrina na komportableng iniwan ang tsinelas sa labas at dire-diretsong pumasok.
"Magandang gabi, Katrina." bati ko na kaagad kinaasim ng mukha nito.
Humagalpak sa tawa si Cazey at ang ate niya na taka kong binalingan.
"Oh, Cali. Magandang gabi, kumain kana ba? Tamang tama at maghahapunan kami." kakalabas lang ng mama ni Cas hawak-hawak ang mangkok ng ulam.
Bumati naman kaagad si Katrina. "Salamat po pero tapos na po akong kumain. Nandito po ako para mangopya kay Cas." dire-diretso nitong sabi.
Tumawa ang ate ni Cazey at napailing naman si Tita Beth.
"Oy, Cal! Hindi ba pwedeng medyo mahiya ka naman!"
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...