#02. Ulan
_____________________________________
"Hati tayo sa bola-bola, Cas!"
Maingay pa din ang bagsak ng ulan sa labas na halos umusok na ang bintana dahil sa walang tigil na pagbagsak nito.
"Akin na 'to! Nasayo na nga yang adobo e!"
Matunog ang magkasabay na buntong hininga ni Katrina at ang president ng SSG Council. Enzo ang pangalan niya at matalik na kababata nina Cazey at Katrina.
"Anong sakin? E itlog ngalang tong natira kinuha mo yong manok!"
"Eh sa ang tagal mo kasing makuha."
"Baka ulam ko 'yan? Ako bumili niyan a."
Kung kanina lang ay tunog ng malakas na ulan ang dinig sa paligid ng makitid na room, ngayon naman ay ang bangayan ng dalawa.
"Pwede ba kayong dalawa." napabaling ako kay Katrina na mukhang punong-puno na sa dalawa. "Wag kayong patay gutom! Sa lakas ng boses niyo baka tayo na ang susunod na tamaan ng kidlat!"
Parang mga bubuyog naman na kaagad tahimik nagtalo ang dalawa.
Nandito kami ngayon sa SSG Office dahil humingi ng pabor si Katrina kanina. Nang lumapit siya kanina doon kay Ren ay tinanong niya kung nasaan ang presidente ng SSG na tamang-tama na kakapasok lang kasama ang kaibigan nito.
To my surprise, they were the same guys I saw with Ren that night outside the store. Magkaibigan silang tatlo kasama na si Spencer na kabangayan ni Cazey ngayon. Nagulat ako ng malamang dito na pala sila lahat nag-aral simula noong first year. Tinanong ko si Katrina kanina habang naglalakad kami papunta dito.
"Ah, dito na kami nila Enzo simula nong elementary, pero si Cazey grade 5 na nagsimula dito."
I knew that Cazey and her family moved here when she was in fifth grade, but they used to visit every summer. Si Spencer naman ay noong first year na nag-aral dito.
Pamilyar sakin si Enzo dahil palagi ko siyang nakikita kasama ang mga teachers at siya rin ang isa sa mga nagfacilitate ng welcoming event noong first day of school. He’s the typical student leader type. He's tall and serious with that glasses and his curl undercut. Pero hindi katulad doon sa Oliver kanina, he may look a bit mature dahil sa aura niya but the glasses didn't make him look like a nerd.
"Hay, ang tagal ng extra rice." reklamo ni Cazey.
May baon si Spencer dahil bumili na siya kanina sa labas nang ma-late. Nakihati si Cazey kanina at iyon ang pinagbabangayan nila.
"Wow, linya ko dapat yan a. Limang subo lang ng kanin nakain ko a."
Cazey smiled sweetly. "Salamat, Spence. Sana magising yang girlfriend mo sa gayuma mo."
Gulat na napatitig sa kanya si Spencer. "Wala kang utang na loob."
"Huh!" Cazey exhaled harshly.
"Enzo, pwede tong mesa kainan?" lumapit doon si Katrina sa mesa malapit sa bintana.
Lumapit naman si Enzo para kunin ang mga papel doon. "Go ahead."
"Ano yan?" Cazey asked, tinutukoy ang hawak hawak na papel ni Enzo.
"Sanction record book." aniya at nilagay iyon sa drawer.
"Oy, personal journal tungkol kay Spencer?" tukso pa ni Cazey.
Tumawa ako sa walang tigil na pagtatalo nilang dalawa. Katrina and Enzo proceeded on fixing the table. Nandoon na ang mga lunch box nila at lumipat na ng upuan ang dalawang nagbabangayan.
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...