Timing
_______________________________________
Glasses are fragile because they reflect.
Hindi mahirap ngumiti kung ikaw lang ang may alam na peke 'yon. The mind is a human's most private possession. No individual is transparent enough to be seen. Unless......something reflects you. Something close enough to be an evidence.
"Ad! San ka ba galing?!" mabilis ang pagdalo sa akin ni Katrina. Tumayo na rin si Enzo sa tabi niya and all the other people behind them.
Isang oras na 'ata ang lumipas at paniguradong kanina pa talaga na tapos ang practice. Hindi kaagad ako pumasok pagkatapos umalis ni Cas kaya.....
"Ad, you okay?" Paul neared me.
Nakadalo na sila sa akin kaya napabaling na rin ang ibang players na naiwan dahil sa komusyon dito sa entrance.
Ngumiti ako kay Paul at tumango. "Ayos lang ako. M-May ginawa lang kaya...." iniwas ko ang tingin ng magtama ang mata namin ni Kat na parang naghihinala sa sinabi ko.
She sighed. "Sana nagsabi ka, pumunta ako sa cr wala na kayo do'n akala ko nauna na kayong umuwi." kalmado ang pagkakasabi ni Kat pero alam kong hindi siya kumbinsedo.
"Pasensya na." I laughed awkwardly.
Kumamot si Paul sa batok at mahina nalang tumawa. "Sayang hindi mo napatapos ang laro."
Awkward akong tumawa.
"Siya! Mauna na ako a, kita nalang tayo bukas! Kat, Enzo." baling niya sa dalawa na tumango sa kanya. "Ad, see you tomorrow." paalam niya.
Tumango ako at ngumiti.
"Magligpit na din tayo, late na." si Enzo.
Tumango ako at lumakad papunta sa upuan, nakasunod kay Kat na naunang maglakad.
"S-Si Cas pala....uhmm...nauna na." sabi ko sa kanya.
Mukhang naiinis pa rin kasi siya kaya medyo nahihiya akong magdagdag ng sasabihin.
Tumango siya. "Nag-text siya, 5 minutes bago ka dumating." aniya na parang pinapamukha kung gaano ka late 'yon.
Nanatili akong tahimik, nag-aantay ng mga susunod na tanong mula sa kanya pero hindi dumating 'yon.
"Kat! Mauna na kami." bumaling ako sa banda nila Jea na kaklase namin.
Nandito pa pala sila?
Kasama nila ang iilang players din.
"Sige, ingat kayo."
"Nasaan pala si Cas? Nauna na?" Jea asked it a bit loud.
Some of her friends looked at us for answers.
"Mm. Emergency sa bahay nila." hindi nakatingin si Kat nang sabihin iyon, as if dismissing them.
Mukhang naramdaman nila kaya hindi na rin nagtanong pa at umalis.
Tahimik lang kami ni Kat. Hindi siya umimik at tanging ang ingay lang nang pagkasarado ng zipper ang namayani.
I didn't really mean to stay out that late. Pagkatapos umalis ni Cas, I went after her. Hinabol ko siya sa gate. Gulat siya na humabol ako but I just shook my head and smiled. We stayed there for another 30 minutes. Nakaupo at ni walang nagsalita. For some reason I hoped......she felt I was there.
She doesn't need to tell me what's wrong—I know something's wrong. I don't need to tell her advices—she knows I'm there.
"Kat."
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...