Courting
_______________________________
"Huh?!"
Halos maglaglagan ang mineral water at pancit na binili namin sa canteen dahil sa OA na pagkapalo ni Kat sa mesa.
"Nakakainis nga!" dagdag pa ni Cas.
Nasa canteen kami ngayon dahil lunch break at natapos na ang morning exam. Tahimik na lunch lang sana pero kanina pa nagra-rant si Cas tungkol sa pagpunta nila Spence kagabi sa kanila.
"Eh, teka. Ang tanong e nasa kondisyon ka pa ba?" tanong ni Kat.
Umirap si Cas at problemadong nasapo ang noo.
"Ewan ko rin sa tangang 'yon at ako talaga ang naisipang ilista doon!"
Apparently, Spence went there to inform her that she's in the line up for volleyball girls. Ang problema, si Spencer ang naglista sa kanya doon. Naglalaro naman daw si Cas dati pa mula noong elementary pero nahinto nalang siya last year.
" Baka naman pwede mo pang mapatanggal ang name mo doon sa list, Cas? Kausapin mo 'yong coach para sa volleyball girls." sabi ko.
Kaagad na lumukot ang mukha niya at umiling.
Tumawa si Kat. "Anong sabi?"
Nanlaki naman ang mata ko. "Napuntahan mo na?"
Buntong hininga ang narinig namin.
"Baka raw pwedeng pag-isipan ko at kailangan daw kasi talaga."
"Pero hindi ka pa naman prepared, noon pa sila nagpa-practice tapos ikaw days before lang nila sasabihan?"
Umayos siya ng upo at pagod na hinagod ang buhok ko.
"Sa tingin mo hindi ko pinaglaban 'yan? Pero bingi si coach!" aniya pa na parang papalahaw na sa sobrang sama ng loob.
"Kailan mo ba pinuntahan?" tanong ni Kat na parang matatawa pa.
"Kanina pagtunog ng bell nakita ko sa coach kaya pinuntahan ko agad. Iyon lang ang sinabi niya."
Tumango-tango si Kat pagkatapos ay itinuro si Cas gamit ang tinidor na hawak.
"Baka gutom pa 'yon, subukan mong kumbinsihin ulit mamaya pagka-uwian."
Kaagad namang lumaylay ang balikat ni Cas pero tahimik na nagpatuloy sa pagkain.
Nangunot naman ang noo ko. Tahimik akong bumaling na lang din sa pagkain kahit pa medyo nagtataka kay Cas.
I've always stood my ground. Kahit ano pa o sino pa kapag ayaw ko, ayaw ko. But then again, maybe it was because she respects our teacher that's why she can't say no.
"Javier!"
Naputol ang pag-iisip ko nang kaagad na mabaling ang tingin sa unahan. Nabigla pa ang mata ko sa liwanag dahil masyadong matingkad ang init sa school ground kung nasaan nakahinto si Ren.
"Coach."
Mula sa canteen ay lumakad si coach papunta sa kanya. Nag-usap sila doon matapos pumailalim sa indian tree para iwasan ang init.
Tahimik akong pasulyap-sulyap sa kanila. Taking that opportunity to look at him while his eyes are busy with someone else. Hindi ko tuloy maiwasang hindi pansinin ang supot ng ulam na mukhang binili ulit niya sa labas. Hindi na kami sumabay sa kanila dahil bukod sa nagmamadali si Cas para habulin si coach kanina, masama pa ang loob nito kay Spence. Pero mukhang kakatapos lang din naman nila.
I saw him raised his hands to scratch the back of his neck. Kumunot ang noo niya at tila napaisip.
Looking back, I can't help but smile inwardly. Palaging siya ang nag-volunteer na bumili ng ulam sa kanila. May kung anong init ang sumakop sa puso ko sa iniisip. He likes to look out for others huh. O baka naman mas gusto niya ang ulam sa labas kaysa dito sa canteen?
![](https://img.wattpad.com/cover/371103764-288-k501346.jpg)
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...