Chapter 10

3 0 0
                                    

Outside

_________________________________

"The type of electromagnetic radiation that has the highest frequency."

"Gamma Rays!"

"Huh? Parang Radio waves 'yan, teh."

Sinarado ko ang pinto at maayos na sinukbit ang bag na hindi ko kanina nagawa dahil nagpasa na ako ng test papers matapos ang first subject sa araw na ito. Exam day na at nagmamadali kong dinaluhan si Kat na tahimik na nakapanglumbaba doon sa barandilya ng hallway.

Science ang next subject kaya naman busy ang mga kaklase kong naunang natapos para mag-review para sa next period.

"Pst. Kamusta?" tapik ko kay Kat.

"Oh? Tapos na?" aniya at sumulyap doon sa loob.

Tumango ako. Siya ang naunang natapos kaya nauna siyang lumabas at kumain ng jellystick.

"Gusto mo?" alok niya.

Umiling ako at kinuha na ang science notebook para sa next period.

"Ano 'yan?" tanong niya at nakataas ang kilay na tiningnan ang notebook ko.

"Notebook." maikling sagot ko.

Bumuntong hininga siya at iniharang ang kamay para isarado iyon.

Nagtataka ko siyang binalingan.

"Tama na' yan. Memorize mo na bawat words diyan, e nong weekend ka pa nagre-review." aniya.

"Pero--"

"Walang pero-pero. Kumain ka nalang o." abot niya sa biscuit na hawak.

Ngumunguso akong inabot 'yon.

"Kakatapos lang ng first sub. Pahingahin mo muna 'yang utak mo baka mamaya ma mental block ka pa."

Mas lalo akong napanguso habang binubuksan iyong biscuit.

Matapos kasi no'ng gabing 'yon ay nagkwentuhan nalang kami at nang mag-umaga ay nag review. Bumalik si Kat noong linggo ng hapon at nag review ulit kami.

Luckily that night, I didn't die from that choking. But it was embarrassing enough for me to not speak about it again. Tatawa-tawa naman silang dalawa kapag naalala nila 'yon. Ren didn't call me again, pero dahil sa nangyari ay hindi ko rin siya natanong kung para saan ang tawag na' yon dahil hindi narin naman siya nag message pa matapos iyon.

Napaisip tuloy ako kung gaano ka importante ang tawag na 'yon para hindi siya magparamdam ng halos dalawang araw. It's not that we message each other often, pero kasi diba. Tch, whatever.

"Anyari sa inyong dalawa?" si Cas matapos lumabas doon sa classroom

"Cas." nagsusumbong na sabi ko.

Tumaas ang kilay ni Kat sa akin. Tumawa ako.

"Ayaw ako pag review-hin ni Kat." sabi ko pa.

"Review? Ilang beses ka nang nag review a?" aniya pa.

Kat smirked.

"Amoy notebook kana nga no'ng weekend." segunda ni Kat.

Tumawa silang dalawa kaya naman masama ang loob na natahimik nalang ako.

"Mamaya na 'yan, 5 minutes before." binulungan ako ni Kat at inabot ang maliit na yogurt drink.

Ilang sandali pa ay nagsilabasan na ang mga estudyante sa bawat room. The hallway suddenly got crowded.

"Pasok na ba tayo?"

Mag-transfer kami sa kabilang room dahil hindi katulad noong first quarter ay ang mga students na ang inatasang magpapalit-palit sa rooms, though it's a lot of work. Kung titingnan palang ang crowd ng mga estudyanteng pumupuno sa hallway, mas mabuti sanang isang tao nalang ang lilipat.

Love, AliceWhere stories live. Discover now