Pained State
__________________________________
"Patingin? Sinong nakuha mo?" sumimangot si Kat.
"Hindi nga pwede, Cas. Anonymous dapat para ma surpise."
Magulo ang lahat sa classroom. Naka-schedule ngayon ang bunotan para sa Manito Manita namin sa paparating na Christmas party. Kanina pa kinukulit ni Cazey si Kat kung sino ang nabunot nito kaya kanina pa nakasamingot si Kat.
" Feel ko ako 'yan e." parinig pa niya.
Hindi ko napigilang matawa. The end of the month came quickly before my grasp. Mas mabuti ngang gano'n, mabilis ang lahat. Fleeting time delays unnecessary feeling. It's easier to not dwell too much on things that didn't go our way, because time passes and we are never stagnant. Gano'n din siguro ang rason para kay Cas. I almost thought she's mad at me and we'll never be okay. Kaya taranta ako no'ng ilang araw na di niya ako kinausap. I even took it all out on Ren when I saw him laughing with them instead of helping me na pagbatiin ang dalawa.
I flinched thinking about what happened that night.
"Hey, wait up."
Palabas ako ng gate nang habulin niya ako. Gusto kong lingonin siya at tanongin kung bakit siya nandito pero masyado akong galit para harapin siya.
"Uuwi ka na?"
Obvious ba? Alangan namang gumala pa ako.
Sa utak halos kung ano-ano nang itawag ko sa kanya. Like a ticking bomb exploding in a minute, I tried so hard to continue walking, far away from anyone who could burn if I explode.
"Sila Cas? Hindi kayo magkasama?" Ren matched my speed.
Now all the distance I established vanished. Kung totoong bomba ako at sasabog talagang burado agad siya! Can't he see? Ayaw kong makipag-usap at lalo na sa kanya! If I want to talk to him I could have responded to his first question!
Sinarado ko ang bibig at mas binilisan lang ang lakad papunta sa paradahan ng tricycle. I just wish my mom would pick me up so he wouldn't pester me anymore. Pero sigurado akong kakausapin niya pa rin ako dahil maghihintay pa rin naman ako kay mom sa labasan.
"Adelei." ramdam ko ang taka sa boses niya, pero mas nagulat ako sa tinawag niya sa akin.
He just called me by my first name. He normally doesn't. What now, Ren?you're pissed? Tumigil ako sa lakad at hinarap siya. I know he met my sharp eyes because he almost flinched. Taka niya akong tiningnan hinihintay na may lumabas na mga salita sa labi ko. Kaya naman noong wala, napilitan na siyang magsalita. He faked a laugh and licked his lower lip before saying something.
"W-Wait, may problema ba.......tayo?" hindi siya sigurado kung tama bang itanong iyon.
Umismid ako at umiwas ng tingin, pinipigilan ang sarili na may masabing hindi tama. All the reason why I'm acting like this is unknown or if there is one, I'm not sure if it's.........reasonable. Kaya nga wala akong masabi kasi hindi ko rin alam kung ano. But then, my expression is betraying me.
"Wala naman." if you ever tasted raw ampalayas, that's how bitter it sounded.
Natahimik si Ren. Sumulyap ako sa kanya only to see him watching me intently. Kumunot ang noo kong iniwas ang tingin. He's like looking at a puzzle he can't comprehend.
I heard him chuckle. "Manghuhula ba ako?" aniya.
Parang napanting ang tenga ko sa sinabi niya. All the reasons became useless o kahit ang pagtitimpi. Binaling ko lahat ng atensiyon sa kanya. Looking like a cat with her claws out, ready to scratch his face.
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...
