Chapter 13

10 0 0
                                        

Dumbfounded

__________________________________

I think it's wonderful to have stumbled upon minor moments in life where we can always look back. Be it regret, happiness, or bitterness that we might remember in those times, so long as we are still allowed to hold it close.

At least, masasabi kong isang beses sa buhay ko naramdaman ko 'yan. That I can relate. That I was once a teenager who happened to experience the same puppy love moments. Or maybe that.....even though I once thought it's not real, it was actually. Hindi man nabigyan ng chance na mas maramdaman—at least.

Yes, at least. The bittersweet reality I have to swallow—acceptance. Magaling naman ako diyan. I did it several times. Pero kahit ilang beses na, there's this pattern I seem to repeat over and over again—crying.

Ilang minuto rin akong nakaupo sa harap ng salamin para tingnan ang mukhang umiiyak. My cheeks turned a bit red as stream of tears fall like raindrops. Binato ko ang cup noodles na nasa lamesa para lang umiiyak na kunin ulit 'yon. Binigay ni Ren' yon bago kami naghiwalay ng daan pauwi at para akong tangang umiiyak habang naglalakad. Halos mamanhid ang labi ko sa pilit na ngiti at tawa.

Buti nalang wala pa si mommy ng umuwi ako. I can freely cry myself over this damn noodles! Mas lumakas lang ang hagulgol ko nang makita ang flavor no'n.

"Hindi ko naman gusto to e! Ayoko sa seafood." Palahaw ko.

Ang sabi ko sa kanya kahit huwag na! Binilhan na niya ako ng sandwich at yogurt drink pero bumili parin pala siya nito! Naiinis ako sa kanya!

Gusto ko 'to e! Bakit niya pa ako bibilhan ng mga gusto ko kung may iba naman pala siyang gusto?! Kung ano-ano na naman ang maiisip ko nito. I want to be okay. Pero paano naman kung hindi ako maiinis sa kanya? He's too kind, I can't hate him. It's easier that way!

Halos 'yan lang yata ang nagawa ko buong araw no' n. I woke up later than usual dahil halos hindi rin ako patahimikin noong gabi. Tumawag si Kat noong pumunta siya para gumawa ng banner to support the school's participants, at syempre para kay Cazey. Dito kami gumawa sa bahay pero pag-gupit lang naman ang naiambag ko dahil wala ako sa hulog.

"Oy, oy! Ano ba? Huwag mong gupitin ang mukha ni Cazey!"

Bumaba ang tingin ko sa printed picture ni Cas at sa mukha niyang nakaharap na sa kagat ng gunting ko. Binawi ko kaagad nang mapagtanto ang gagawin.

"Ay, sorry."

Halos ilang buntong hininga rin ang pinakawalan ni Kat bago ko namalayang hapon na at pauwi na siya.

"Uuwi ka na?"

7 pm pa bago umuwi si mom. Mag-isa nanaman ako dito sa bahay. Ayoko.

"Mm. Kita tayo bukas ha." aniya na lumabas para isuot ang sapatos.

I followed her to the door step. "W-What about staying for a bit?" sabi ko

"Huh? Bakit? Natatakot ka?" aniya na ngumisi.

Umirap ako. "7 pm pa si mom, wala akong kasama." I said.

Kat sighed. "Wala namang problema, kaso may dadaanan ako e. Sunduin ko si kuya sa terminal." aniya na inginuso ang motor na dala.

Lumabi ako. Sa huli wala rin akong nagawa dahil mukhang importante rin ang lakad ni Kat. Hindi  agad ako pumasok at naupo nalang doon sa may pintuan. I watched the dimming sky pop with color. The warm breeze blew the passing afternoon.

Maingay ang huni ng mga kuliglig at malayong ugong ng mga sasakyan. I can feel the silence the moment they pass our place. Hindi naman kasi ito katulad sa malalaking syudad na halos sasakyan lang ang maririnig mo. The life here is slow—excruciatingly slow. Now that I'm not doing anything, it's lonely. To feel the light slowly transition to dark. Parang ramdam ko ang bawat segundo. And at some point I....I wanna cry again.

Love, AliceWhere stories live. Discover now